Regine Velasquez, niyayayang lumipat ni Sharon Cuneta sa ABS-CBN?

by PEP Troika
Aug 15, 2018

JERRY OLEA: Nakakaintriga ang Instagram post ni Sharon Cuneta tungkol sa US concert tour ni Regine Velasquez noong Agosto 11, Sabado.


Sabi ni Mega, “Dalian mo na nga my luv ‘yan at tapusin na natin ang mga dapat tapusin! Para maka-tumbling na nang maayos! Hahahahaha!!! Wheeeee!!! EXCITED sa lamna na! Hahahahaha! I love you!”

Continue reading below ↓

Lilipat na ba si Regine sa ABS-CBN?

“Ahh, hindi! Hindi yun about that!” mabilis na tugon ni Ogie Alcasid nang mainterbyu ng PEP Troika nitong Agosto 15, Miyerkules ng hapon, sa Hungry Samurai restaurant, sa Tomas Morato Ave., QC.

“Kasi, nag-uusap yung dalawang yun, e, na gusto nilang mag-show. So, yun, pinaplano nila.

“Gusto nilang mag-back-to-back [concert]. Actually, si Reg, idol niya yun, e. Si Sharon, gustung-gusto ni Regine.

“Andami ring... Regine-Sarah [Geronimo], gusto ring mag-concert. Meron ding Vice [Ganda]-Regine...”

Hirit pa ni Ogie, si Regine na lang ang tanungin kung lilipat ito sa Kapamilya Network.

Gusto ba niyang mag-over-da-bakod ang kanyang asawa?

“Ako, kung saan siya masaya. I don’t wanna ... you know, magdi-dictate sa kanya. May sarili siyang diskarte.”

Kabilang sina Regine at Vice sa guests ni Ogie sa kanyang 30th anniversary concert na OA, na nakatakda sa Agosto 24 sa Araneta Coliseum.

Continue reading below ↓


NOEL FERRER: Nasa The Sharon Cuneta Show pa lang kami, gusto nang makasama ni Regine si Sharon sa isang concert.

Kaya with Sharon saying that now, hindi malayong mangyari iyan.

And for sure, I’ll be one of those na susuporta sa tambalan nila sa stage.

Continue reading below ↓

Kung naging curious man ang taga-Kapuso network kung lilipat si Songbird sa Kapamilya network, ang tanong: is Regine given the platform na magma-maximize ng puwede niyang gawin sa TV?

Nakaka-miss din naman kasi si Songbird doing a musical-variety show or a musical special, really.

Well, hintayin na lang natin ang Mega-Songbird back-to-back show.

GORGY RULA: May mga naintriga kasi sa post na yun ni Sharon. Pero nilinaw na rin mismo ni Ogie na walang lipatang mangyari.

Kung musical show naman, Sir Noel, happy naman daw ngayon si Regine sa The Clash.

Siyempre, ibibigay nila sa mga contestant ang pagkanta, pero tiyak na kakanta rin diyan ang Asia's Songbird, pati mga judges na sina Lani Misalucha, Christian Bautista, at Ai-Ai delas Alas.

Sabi naman ni Regine, ini enjoy niya muna ngayon ang paghu-host.

Mabuti nga raw na hindi siya ang umuupong judge dahil mahirap ang responsibilidad na husgahan ang Clashers.

Continue reading below ↓

Nabanggit din noon ni Regine na mas gusto niya ngayon ang kumanta dahil ilang taon na rin siyang umaarte.

So far, nandiyan pa ang The Clash, ang concert series niya sa US, at meron pa ring Three Stars One Heart concert nila nina Julie Anne San Jose at Christian Bautista.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results