Nanay ng singer-actress, namigay ng expired na tsitsirya

by PEP Troika
Aug 17, 2018

GORGY RULA: Nakarating sa PEP Troika ang kuwentuhan ng isang stylist at ang kaibigan niyang make-up artist tungkol sa nanay ng sikat na singer-actress.

Nangyari raw ito sa shoot ng isang event ni singer-actress kung saan biglang dumating sa set ang mommy nito.



Nagulat ang production staff ng shoot dahil may dalang pasalubong si Mommy—dalawang basket na punung-puno ng goodies, karamihan mga tsitsirya.

Continue reading below ↓

Para raw yun sa mga staff na nagtatrabaho roon.

Tuwang-tuwa siyempre ang mga staff dahil alam nilang hindi naman ugali ni Mommy na magdala ng pasalubong o magpakain sa kanila.

Ang isang basket daw ay puno ng mga tsitsiryang imported. Para raw yun sa mga katrabaho ni singer-actress sa loob ng dressing room.

Ang isang basket naman ay puno rin ng mga tsitsirya na may halong local products, para naman daw sa ibang staff kagaya ng technician, cameramen, at production assistants.

Pinaghati-hatian nila ang mga pasalubong ni Mommy. Nilantakan na ng iba ang mga tsitsiryang dala nito.

Kuwento ni Stylist sa kaibigang make-up artist, naisip niyang silipin ang bandang likod ng supot ng tsitsiryang nakuha niya.

Tama nga ang duda ni Stylist. Expired ang nakuha niyang pagkain.

Sinabihan daw niya ang isang kasama kung puwede tingnan nito ang nakuha niyang chips. Ayun! Expired din!

Hindi lang daw nila sure kung expired ba lahat ng dala nito.

Continue reading below ↓

Naloka raw ang isang staff kasi nasubo na niya ang nadakot niyang chips.

Nahiya na raw siyang iluwa dahil kaharap niya si singer-actress.

Ayaw naman daw niyang ipakitang niluwa ang pagkain, kaya nilunok na lang daw niya ito.

Sabi ng nagkuwentong stylist, nagdasal na lang daw si staff na walang mangyaring masama sa kanya pagkatapos niyang kainin ang expired na pagkain.

Nagpasalamat pa rin daw sila kay Mommy dahil wala namang nangyari sa mga taong nakakain ng mga tsitsiryang ipinasalubong niya.

Kahit may ganung kalokahan ni Mommy, love na love pa rin daw nila si singer-actress dahil napakabait naman daw nito sa kanila. Kaya pinagtsismisan na lang nila.

JERRY OLEA: Notorious ang nanay ng singer-actress pagdating sa pagkain.

E, di ba, sa isang birthday presentation ni singer-actress sa TV show, iniuwi ni Mommy ang lahat ng cake na bigay ng sponsors?

Andami-dami ng mga cake, at ang lalaki pa ng iba.

Continue reading below ↓

Pero hindi siya nag-iwan maski isang cake para sa staff!

Minsan, nagpapansit siya sa mga staff.

Afterwards, namudmod siya ng flyers ng restaurant nila.

Umorder na lang daw ng pansit ang mga staff kung gusto nila!

NOEL FERRER: Maraming kuwento tungkol sa mommy na ito, pero unti-unti na niyang nararamdaman na ang kanyang anak has come to her own.

Sana lang, yung mga cake na naiuwi nila ay tunay na buong cake, kasi merong iba na styro lang ang ilang sides at layers.

Teka, gusto niyo bang tikman natin ang pancit nila sa resto nila minsan? Tara!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results