NOEL FERRER: Suwerte at pampa-good vibes ang mga balita ukol sa pagpapakasal.
Mamaya, sa Level Up Showbiz Saturdate, kung saan makakasamang eksklusibo ng PEP Troika ang Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde na magse-celebrate ng kanyang 80th birthday bukas, August 19, uunahan na ng PEP Troika ito sa pamamagitan ng isang Salubong.
At isa pang masayang balita ang sasalubong sa ating ngayong weekend ang pagpapakasal muli ng isang actress na may angking kakaibang charisma at kaibigan ng lahat.
Oo, ikakasal siya sa isang nakasama namin sa isang network at ang kanyang mga naging best friends sa TV at pelikula ang inaasahang dumalo.
Basta dito niyo ito unang nalaman, at mamaya sa Level Up Showbiz Saturdate, ibibigay namin sa inyo ang iba pang masasayang detalye!!!
Happy birthday, Mother Lily, and best wishes sa showbiz couple na ito!
JERRY OLEA: Ayon sa Wikipedia, idineklara ni Pangulong Ramon Magsaysay noong 1955 na Linggo ng Wika tuwing Agosto 13-19.
Idineklara naman ni Pangulong Fidel V. Ramos noong 1997 na Buwan ng Wika ang Agosto.
Ang Ama ng Wikang Pambansa ay si Manuel Luis Quezon, na isinilang noong Agosto 19, 1878.
Kaya holiday tuwing Agosto sa Quezon City, maging sa lalawigan ng Quezon.
Fiesta tuwing Agosto 19 sa mga bayan na ang patron saint ay si San Luis, Obispo ng Tolosa (Pransya).
Agosto 19, 1297 namatay si St. Louis of Toulouse, at sa kanya galing ang “Luis” sa pangalan ni Pangulong Quezon.
Ka-birthday din nina Pangulong Quezon at Mother Lily sina US President Bill Clinton, John Stamos at Matthew Perry.
GORGY RULA: Naku! Nakini-kinita ko nang pag ibalita mo mamaya, Sir Noel, ang aktres na ikakasal muli, tiyak na mag-isip nang matagal si Mother Lily, at tatanungin ka, “sino nga iyan?”
NOEL FERRER: Sasabihin ko, "Uy, ha, may hitsura ang mga nakarelasyon niya! At best friend siya ng bayan, Mother!"
At parang yung may birthday nating dating leader at Ama ng Wikang Pambansa, may pagkakapareho ng pangalan ang lalaking kanyang pakakasalan! Hehehe!
Cynthia pa rin ba? Hamuna! Best wishes na lang!!!