Eddie Garcia, Ricky Lee, Maryo J. de los Reyes pang-National Artist na ba?

by PEP Troika
Aug 18, 2018

JERRY OLEA: May mga nagpu-push na kilalaning National Artist si Dolphy o si Nora Aunor.

Ang inaasam ko naman na tanghaling Pambansang Alagad ng Sining ay ang namayapang kaibigang si Direk Maryo J. de los Reyes, si Eddie Garcia o si Ricky Lee.


Maryo J. de los Reyes, Eddie Garcia, and Ricky Lee

Si Maryo J. ang nagdirek ng pelikulang Magnifico, na pinagbidahan ni Jiro Manio.

Ang 89-anyos na si Eddie Garcia ay Hall of Famer sa tatlong kategorya ng FAMAS — best actor, best director, at best supporting actor.

Sa katatapos na Cinemalaya 14: Wings of Vision ay katatanggap lang niya ng 3rd best actor trophy sa nasabing indie filmfest na nakabase sa CCP.

Siya ang artistang Pilipino na pinakamaraming nagawang pelikula.

Si Ricky Lee, napakaraming magagandang iskrip na naisapelikula mula 1970s.

Noong 1982, pitong script niya ang ipinalabas sa mga sinehan—PX, Ito Ba Ang Ating Mga Anak, Relasyon, Cain at Abel, Moral, Himala, at Haplos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong taon ding iyon nagsimula siyang mag-conduct ng libreng scriptwriting workshop sa kanyang bahay.

GORGY RULA: May naririnig na akong pangalan na isinumite kay President Rodrigo Duterte, at hinihintay na lang daw ang pirma niya.

Kaya lang, wala dun sa mga nabanggit ni Sir Jerry ang narinig kong pinili nila.

Nakiusap lang silang huwag munang ilabas ang pangalan dahil kung sino ang gusto ng Pangulo, baka yun ang masusunod.

Kaya hintayin na lang natin ang official announcement.

NOEL FERRER: Actually, nagtataka nga ako at usually June 12 ang announcement ng National Artists.

Automatically, nominated na si Ate Guy dahil napagdaanan na niya ang 3-level process ng screening.

Ang inaabangan na lang ay kung iku-confirm siya ni Presidente Digong (dahil naligwak siya ni PNoy).

Sinuman kina Tito Dolphy, Tito Eddie, Ricky Lee, at Maryo J ay maganda ring i-consider, pati rin nga si Ate Vi.

Pero katulad ng sinabi ni Tito Gorgy, it’s up to the President.

Kahit nga si Mr. C, Ryan Cayabyab, deserving din sa larangan ng musika. Nakatawid dini yan sa teatro at pelikula, broadcast arts, at maging sa Misa.

May the deserving National Artists win!!!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results