Christopher Ad. Castillo, pumanaw na

by PEP Troika
Aug 19, 2018

NOEL FERRER: Pinag-uusapan lang natin kagabi sa Level Up radio program sa DZIQ, at ang sabi natin ay ipagdarasal natin.

Pumanaw na si Christopher Ad. Castillo, isang batang direktor na panganay na anak ng batikang direktor na si Celso Ad Castillo.

Namatay siya sa edad na 54 sa ICU ng St. Lukes Hospital, due to cardiac arrest and complications of diabetes.

Pagkatapos niyang manirahan sa Amerika, nagpa-Manila si Christopher at gumawa ng mga pelikula kasama na ang The Diplomat Hotel (finalist ng Cinemalaya 2013, starring Gretchen Barretto) at In The Darkness We Live (2014, starring Mon Confiado, etc).

Sabi mo Tito Jerry, may nagawa rin siyang serye na remake ng obra ng tatay niya?

Nakakalungkot itong balita at ipinaabot namin ang pakikiramay sa kanyang pamilya.

GORGY RULA: Nagpa-interview nung nakaraang linggo si Mariel de Leon sa ilang movie press at napag-usapan ang isa sa nagawa niyang digital movie na Barbara Reimagined na dinirek ni Christopher Ad. Castillo.

Continue reading below ↓

Nabanggit niyang may malubha na siyang sakit na sana malagpasan niya ito.

Unfortunately, hindi na niya inabot ang showing nitong pelikula. Nakakapanghinayang, dahil marami pa sana siyang puwedeng gawin bilang direktor.

Nakakalungkot na sumunod na rin siya sa kanyang ama na kinikilalala at iginagalang na direktor. Nakikiramay po kami.

JERRY OLEA: Ang Barbara Reimagined ay remake ng Patayin Mo Sa Sindak Si Barbara, na horror classic ni Celso Ad. Castillo.

Proud na proud si Mariel sa itsura niya rito bilang vengeful ghost. Ipapalabas ito sa digital platform ng ABS-CBN, iyon bang local version ng iFlix o Netflix na subscription VOD (video on demand) service.

Nakikiramay tayo sa mga inulila ni Christopher Ad. Castillo.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results