Erich Gonzales proud sa pagbibida ng mga babae sa action films

by PEP Troika
Aug 19, 2018

GORGY RULA: Dahil sa pelikulang We Will Not Die Tonight, na entry ni direk Richard Somes sa Pista ng Pelikulang Pilipino, nabuo ang EG Films ni Erich Gonzales.

Nagkataon lang daw na nagkausap sila ni direk Richard Somes, at nagustuhan raw niya ang kakaibang kuwento nito.

Kaya lang, wala pa namang sumugal na producer kaya naging co-producer siya, at ito raw ang nagbukas ng ideyang mag-produce pa ng pelikula.

Pagkatapos nga raw nitong We Will Not Die Tonight, puwede raw siya makipag-co-produce sa ilang independent producers ng magandang material kahit hindi siya ang bida.

Sa maliit niyang paraan, makakatulong din daw siya sa mga indie producers at sa ating movie industry.

“Sabi ko nga yung EG Films, hindi naman talaga siya plinano, nangyari lang. Siguro ito rin yung way natin para makatulong sa ibang mga talented nating directors, mga writers.

"Siguro makatulong na rin sa mga independent nating producers na kapag may kakaiba silang istorya, tutulong po tayo," pahayag ni Erich.

Masaya na rin siya dahil kahit hirap na hirap siya sa mga action scenes, napatunayan niyang kaya niyang mag-action.

Hindi tuloy naiwasang pagkumparahin sila ni Anne Curtis na nagawa rin ang mga mahihirap na stunts sa Buy Bust.

"Sinasabi ngang ngayon po nabibigyan na ng pagkakataon yung mga kababaihan na maging lead naman sa isang action film kasi nga po pag sinabing action, laging lalaki yan. So masaya po tayo na nagkaroon naman ng female-centered ang isang action film.

"Sana magtuluy-tuloy po ito at mag-gain ng way para sa ibang actors na babae naman," pahayag ni Erich sa block screening ng We Will Not Die Tonight na ginanap sa Gateway Platinum Cinema na ini-sponsor ni Bryann Revilla kahapon, August 18.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER: Masaya ako sa ginagawang pagtataya ng mga artista sa mga passion projects nila. Dobleng commitment ang naibibigay nila knowing na may stake sila sa project.

Sa puntong ito, hindi lang ang creative aspect ang natutunan nila kundi ang mahirap na marketing at financial side ng industriya.

Congratulations, Erich.

Teka, ano ang kunek Tito Gorgy ni Bryann Revilla kay Erich o sa direktor ba nito siya close?

JERRY OLEA: Ang Buy Bust (ni Anne Curtis) at We Will Not Die Tonight (Ni Erich Gonzales) ay parehong nag-world premiere sa New York Asian Film Festival 2018 nitong Hulyo.

Ang sustansiya ng istorya ng mga ito ay naganap sa isang madugo at madilim na gabi. Ang bidang babae lang ang nag-survive sa kanyang squad.

Opening film ang Buy Bust sa Cinemalaya 14: Wings of Vision sa CCP.

Graded A ito ng CEB (Cinema Evaluation Board).

Ang We Will Not Die Tonight ay isa sa walong kalahok ng 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino. Bokya ito mula sa CEB.

Ang ganda ng pagka-execute ni Direk Erik Matti ng action scenes sa Buy Bust. Astig!

Oldies but goodies yata ang peg ni Direk Richard Somes sa mga dialogue at bakbakan ng We Will Not Die Tonight. Sinauna!

May mga susunod pang Pinay action films. Sana, may makatapat man lang sa husay ni Uma Thurman sa Kill Bill 1 & 2 (2003 & 2004) na dinirek ni Quentin Tarantino.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
Read More Stories About
Erich Gonzales
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results