Mother Lily at 80: patuloy pa rin ang malasakit sa industriya ng pelikula

by PEP Troika
Aug 19, 2018

NOEL FERRER: Sa puntong ito, dagsa na marahil ang mga bisita ng namumukod-tanging MOTHER ng Pelikulang Pilipino—si Mother Lily Monteverde.


Kahapon, sa kanyang birthday sa ating programang Level Up sa Radyo Inquirer, nakausap siya ng PEP Troika at lumabas ang napakaraming rebelasyon.

Una, sa dinami-dami ng mga pelikulang nagawa niya sa Regal, ano ang kanyang pinakapaborito?

Noong una, umiwas pa si Mother sa sinabing lahat naman paborito niya at hindi niya gagawin ang pelikula kung hindi niya ito gusto.

At lahat ng mga direktor at artista rito ay mahal niya.

Pero nang lumaon ay sinabi ni Mother Lily na ang tatlong pelikulang memorable sa kanya (na nagkataon namang si Vilma Santos ang bida) ay ang 1. Broken Marriage; 2. Relasyon; at 3. Sister Stella L.

Pangalawa, nang tanungin naman kung ano pa ang pinagkakaabalahan niya bukod sa paggawa ng pelikula, sinabi ni Mother Lily na ang farming sa Tagaytay at iba pa niyang business sa probinsya ang inaatupag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naa-appreciate niya ang pag-aalaga ng baka at paggagatas dito.

At dahil naa-attach na siya sa mga baka, ayaw na niya itong ipakatay at ibenta.

Sinabi rin ni Mother na ingat na siya sa mga kinakain niya at hangga’t kaya sana ay healthy at organic.

Hindi lang daw niya kayang sukuan ang isang uri ng pagkain—ang lechon.

Ikatlo, nang tinanong kung sakaling hindi kasama si Father Remy, sino ang napupusuan at natitipuhan ni Mother na lalaking mamahalin?

Ang sagot ni Mother Lily, “I better look for one. Hayaan niyo, maghahanap ako. I want to start fresh and new.”

Magpe-perform daw siya ngayon at may special numbers din siya para sa mga bisita at kay Father Remy.

Balitaan niyo naman ako diyan Tito Gorgy at Tito Jerry.

Amanos na kami ni Mother, phonepatch na lang ako.

JERRY OLEA: Wala po akong natanggap na paanyaya sa 80th b-day ni Mother Lily, pero love love love ko siya—lalo pa’t mahal niya si Kris Aquino na mahal ko.

I love Mother Lily for her generosity. Hindi ako nahihirapan na mainterbyu siya all these years, kesehodang ang usapan ay kababawan, kalandian man o makabuluhan.

Tumatanaw ako ng utang na loob kay Mother, lalo pa’t magiliw siya mula nang makasama ko sa ilang pag-a-abroad with the late Douglas Quijano (Tito Dougs).

Saludo ako kay Mother Lily, na kahit octogenarian na ay maalab pa rin ang pagmamahal at pagmamalasakit sa industriya ng pelikula.

Cheers, Mother Lily!

Nawa’y humaba pa ang iyong buhay!

GORGY RULA: Talagang nagsama ang negosyo, showbiz at pulitikang kaibigan ni Mother Lily.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang tagal bago niya lumabas, kaya ang ilan ay umalis na lang dahil may mga previous commitments na rin.

Marami ang nasa grupo na greet and leave dahil punung-puno naman ang grand ballroom ng The Crowne Hotel.

Kagaya ni Janine Gutierrez na hindi na nahintay ang paglabas ni Mother Lily dahil kailangan pa niyang humabol sa Pio’s sa Quezon City para sa pa-surprise dinner niya sa kanyang Mamita Pilita Corrales na nagdiriwang din ng kanyang kaarawan.

Pero ang isa sa pinagkaguluhan doon ay ang pagdating ni Cong. Vilma Santos na tuwang-tuwa nang sinabi namin sa kanya na mga pelikula niya ang talagang memorable sa Regal matriarch.

Pero sabi ni Cong. Vi, kung sakaling isapelikula raw ni Mother Lily ang kanyang talambuhay at siya ang piliing gumanap, tatanggihan daw niya ito.

“Hindi ko kayang gawin si Mother,” bulalas ng aktres at Lipa representative.

“Nag-iisa lang si Mother, e. Hindi ganun kadali, e.

“Hindi ko kaya kay Mother na tumatawa ngayon tapos in minutes, galit. 'Tapos, nasa sulok umiiyak na, 'tapos flying cellphones na.

“Iba siya, e. Kaya nandito kami na nagmamahal sa kanya talaga,” natatawang pahayag ni Cong. Vi.

Read Next
Read More Stories About
Mother Lily, Lily Monteverde
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results