Miss Granny ni Sarah Geronimo, makakatapat ang Crazy Rich Asians sa takilya

NOEL FERRER: Laking pasalamat ng MMFF Education Committee sa Miss Granny actor na si Xian Lim sa pagpaunlak, last minute, na magbigay ng inspirational message at siyang nag-award ng certificates of attendance sa mga estudyanteng dumalo sa MMFF Student Short Film Workshop sa University of Makati.


Ito raw ang unang pagkakataong nagsalita ni Xian in front of students at kinatuwaan naman siya ng participants ng Film Making Caravan.

Sa August 31 and deadline ng scripts at pipili ng bibigyan ng P20k grant each.

Ang catch lang ay limitado ang MMFF Student Short Film Contest sa mga bonafide at registered students. Gusto rin sanang sumali ni Xian.

E, student pa rin ba siya?

Speaking of Miss Granny, naging successful naman ang premiere nito kagabi, August 20, at showing na ito bukas, August 22.

Sumuporta si Nadine Lustre kay James Reid at si Kim Chiu kay Xian Lim sa premiere.

Ito na kaya ang makaka-PHP200 million na Filipino film this year? Kaya?

JERRY OLEA: Bukas (Agosto 22) mag-uumpisang ipalabas sa Pilipinas ang Hollywood film na Crazy Rich Asians, kung saan may cameo si Kris Aquino.


Nanguna ito sa takilya ng North America last weekend. Humamig agad ito ng $35.3M sa unang limang araw na pagpapalabas sa US at Canada.

Kabog ang mga bagong bukas ding Mile 22 at Alpha.

Take note na $30M ang reported production budget ng Crazy Rich Asians, kaya malamang na tubong-lugaw ang mga producer nito!

Bukas din ang showing sa local theaters ng animated movie na Hotel Transylvania 3: A Summer Vacation, na umabot na sa $426.1M ang worldwide gross.

Bongga ang aliw factor nito!

Siyempre, may clamor para i-extend ang Pista ng Pelikulang Pilipino 2018, kahit iyong Top 4 entries lang na The Day After Valentine’s, Unli Life, Ang Babaeng Allergic sa WiFi, at Bakwit Boys.

Matititindi ang kalaban ng Miss Granny, kaya good luck kung makaka-PHP200M ito.


Mas kapana-panabik para sa akin ang The Hows of Us nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, na ipapalabas sa Agosto 29.

May mga nagpapaandar din na kesyo ang Goyo: Ang Batang Heneral, na showing sa September 5, ang most-awaited film event of the year.

Miss Granny vs The Hows of Us vs Goyo... sa KathNiel movie ako tataya.

Kayo, alin ang bet ninyo?

GORGY RULA: Sobrang tuwang-tuwa raw si Boss Vic del Rosario sa kinalabasan ng Miss Granny.

Gandang-ganda sila at hindi nga raw sila nagsisi na si Direk Joyce Bernal ang pinagawa nitong Pinoy version ng Miss Granny.

Kaya nayakap daw ni Boss Vic si Direk Joyce pagkatapos ng screening.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN