Kyline Alcantara, nakiusap sa fans niyang huwag nang gumanti sa fans na nambastos sa kanya

by PEP Troika
Aug 22, 2018

GORGY RULA: Nagbanta ang fans ni Kyline Alcantara na gaganti sila sa pambabastos umanong naranasan ng Kapuso young actress nang mag-perform ito sa regional show ng GMA-7 sa Iloilo City nung nakaraang Linggo, August 19.

Habang nagpi-perform si Kyline, may isang grupo ng fans sa harap na nagta-thumbs down sa kanya, kaya hindi niya napigilang maiyak sa kalagitnaan ng performance.


Continue reading below ↓

Ang pinagbibintangan nilang may kagagawan nito ay fans ni Bianca Umali, na nandun din sa show kasama si Miguel Tanfelix.

Sabi nga ni Kyline sa kanyang Twitter account na ipinost nung nakaraang Linggo: “Sorry, I cried in the middle of my performance.

"Sorry, kung may negativity na pumasok dun sa stage while I’m performing. I’m sorry.

"All I want is to spread positivity sa lahat. Pero, nakakabastos lang."

Aminado naman si Kyline na nasaktan siya sa ginawa sa kanya, na ikinagalit ng Kyline Sunflower fans, at sinasabi nilang gaganti rin daw sila.

Pero nakiusap si Kyline na huwag na silang gumanti at kalimutan na ang pangyayaring yun.


Continue reading below ↓

“Even though na palaban naman po ako, tao lang naman din po ako na may nararamdaman.

“Siguro let’s not stoop down dun sa level na ginawa nila. Let’s be professional, be positive, and give kindness to all.

"Kahit mahirap man, but we have to do it," pahayag ni Kyline nang nakausap namin sa radio program naming Showbiz Talk Ganern sa DZRH kagabi, August 21.

Ayaw raw niyang mag-entertain pa ng negativity, dahil mas gusto niyang mag-focus na lang sa nalalapit niyang concert na Kyline Take Fl16ht na gaganapin sa SM Skydome sa September 8.

Nagpapasalamat na lang si Kyline sa mainit na pagtanggap sa kanya ng fans niya sa Iloilo.

Nagulat siyang marami pa silang followers doon ni Darren Espanto, na nakasama niya sa isang programa sa ABS-CBN.

Tuwang-tuwa si Kyline na marami pa ring Kyrren (Kyline and Darren) fans na sumalubong sa kanya roon sa Iloilo.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Mahirap magbintang kung sinu-sino ang nag-thumbs down at nambastos kay Kyline sa Kapuso regional show sa Iloilo.

Umamin ba ang mga iyon na fans sila ni Bianca?

Maliwanag na hindi magkasundo ang Team Bianca at Team Kyline.

Teka... meron din bang Team Pauline (Mendoza)?

NOEL FERRER: Naku, alam ba ni Darren na may Kyline and Darren love team?

Singing tandem sila na parang Angeline Quinto at Erik Santos lang ang dating.

Puwede rin namang ala-Rufa Mae Quinto-Erik Santos. #katuwaanlang

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results