Direk Cathy Garcia-Molina, babawasan ang mga nagdududa sa pag-arte ni Kathryn Bernardo

JERRY OLEA: Sabi ni Direk Cathy Garcia-Molina, inilabas niya ang galing ni Kathryn Bernardo sa pelikulang The Hows Of Us.

Kinilalang best actor si Daniel Padilla para sa Barcelona: A Love Untold (2016) na idinirek ni Olivia Lamasan.

Deserving bang ma-nominate na best actress si Kathryn para sa THOU?


“We’re not always naman after the award,” seryosong sambit ni Direk Cathy nang mainterbyu namin nitong Agosto 22, Miyerkules ng hapon, sa 9501 Restaurant, ELJCC Bldg., ABS-CBN Compound, QC.

“We’re just after na sana, mabigyan ng justice ni Kathryn yung character ni George na very complicated po talaga.

“And ako, 100%, sasabihin ko talaga na Kathryn did a good job.”

Mas inalagaan niya rito si Kathryn kesa kay Daniel?

“Yes!” mabilis na bulalas ni Direk Cathy.

“Si Daniel kasi can make it on his own, e. I mean, si Daniel kasi, mas kaya mong bitawan.

“Sabi ko nga, di ba, mas mature kasi si Daniel in terms of pagkatao. Mas kaya ang sarili. Saka lalaki, e!

“So, kaya less ko siya hinawakan. Mas hinawakan ko si Kathryn.”

Na-frustrate ba siya sa mga nagduda sa kakayahan ni Kathryn, lalo na sa mga nagsabing napag-iiwanan ito ni Daniel?

“Nalulungkot ako,” matamang lahad ni Direk Cathy.

“Naawa lang ako doon sa bata. Kasi, alam mo naman kung gaano ang ibinibigay ng bata every time.

“Siguro, talaga lang... we cannot please everybody. Alam ko na durog na durog na yung bata, e, every time na nakakarinig iyan.

“So, para sa kanya, pinilit ko na sa pelikulang ito... kumonti, hindi ko man matanggal totally, ‘no?

“Kumonti ang mag-doubt sa kakayanan niya bilang artista.”

GORGY RULA: Sa dami ng magagandang projects na nabigay kay Kathryn Bernardo, dapat naman sigurong galingan na niya.

NOEL FERRER: Lalo pang gagaling si Kathryn kasi matututukan siya ni Cathy.

After kasi ng The Hows of Us, meron pa siyang segue to Three Words To Forever with Sharon Cuneta and Richard Gomez under Cathy rin.

Aariba talaga si Kathryn! Sana!

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN