Maja Salvador, "maalaga" kay Zanjoe Marudo

by PEP Troika
Aug 24, 2018

JERRY OLEA: “Masaya siyang katrabaho. Magaan! And napakagaling na artista. Maalaga!”

Paglalarawan iyan ni Zanjoe Marudo kay Maja Salvador, ang leading lady niya sa pelikulang To Love Some Buddy.


Nakausap namin si Zanjoe noong Agosto 16, Huwebes ng gabi, matapos ang block screening ng PPP 2018 entry na Madilim Ang Gabi sa Gateway Mall.

Continue reading below ↓

Si Maja ang maalaga sa kanya?

Dagdag ni Zanjoe, “Maalaga siya sa buong set. Actually, mas maalaga siya kesa sa akin.”

Kumpirmasyon ng direktor nilang si Jason Paul Laxamana nitong Agosto 22, Miyerkules ng gabi, through Messenger, “Maalaga po si Maja sa set to everyone in general.

"Madalas po siya magdala o bumili ng food for everyone including staff."

NOEL FERRER: That’s Maja Salvador for you, maalaga.

At alam niyo ba ang gusto sa kanya ng mga direktor?

She might be clowning around, pero kapag take na, my God, she gives something more that you expect.

Namamangha na lang daw ang mga katrabaho niya as to how she does it.

Tunay na mahusay na aktres. I am happy to see her growth lalo na as an actress.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results