Tambalang Atom Araullo at Heart Evangelista sa 24 Oras, kinakiligan

JERRY OLEA: Bakasyon muna si Mike Enriquez sa 24 Oras upang pagtuunan ng pansin ang kanyang kalusugan.

Absent din si Mel Tiangco sa prime newscast ng Kapuso Network nitong Agosto 24, Biyernes.

Ang naghatid ng mga nagbabagang balita... sina Atom Araullo at Heart Evangelista.


BOOM!

Nagkagulo sa 8th floor ng GMA Network!

Ayon sa isang insider sa News department, kilig na kilig ang mga tao sa kumbinasyong Atom-Heart!

Nakaka-proud!

Nakaka-good vibes!

GORGY RULA: May authority ang dating kapag sina Mel Tiangco at Mike Enriquez ang nagbabalita.

Pero nakakaaliw rin na may magagandang mukha.

Nakaka-bagets at fresh na fresh ang dating kapag sina Atom, Ivan Mayrina, at Heart ang nagbabalita.

Kahit papa'no, nakakagaan kahit kalunus-lunos ang ibinabalita. Hay! Kilig much!

Ano kaya kung sila na ang nagbibigay ng balita habang naghahapunan ka?

Hindi kaya nagmumukhang beterano at nakaka-senior citizen na ang dating ng katapat na news program?

NOEL FERRER: Ang dami ngang magandang feedback sa naganap kanina.

Actually, dapat sa Lunes pa ang alam kong pagsampa ng alaga kong si Atom.

Pero dahil na rin siguro wala si Tita Mel, napaaga ang pagnu-newscast niya.

Okey na rin dahil nai-report niya ang lalabas na documentary on Food Wastage na lalabas sa The Atom Araullo Specials sa Linggo, August 26.

Ibang skill ang news reading, sabi ni Atom.

Pero kahit nagpi-pinch hit para kay Sir Mike Enriquez, hindi pa rin niya iiwan ang paggawa ng kanyang mga dokumentaryo.

Iba pa rin kasi ang nagku-cover ka talaga ng balita at isyu.

Good job, Atom! Proud kami sa iyo! I-enjoy mo lang iyan!

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN