Totoo ba talaga ang "Funny is the new pogi/pretty"?

JERRY OLEA: Funny is the new pogi. Paandar iyan kay Empoy nang magpasiklab sa takilya ang Kita Kita.

May follow-up movie agad si Empoy ngunit kapos iyon sa pogi points.


Nang ilunsad ang tandem nina Kakai Bautista at Ahron Villena sa Harry & Patty, pinalutang na kesyo ... Funny is the new pretty.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naaliw at kinilig ako sa AhKai movie.

May follow-up movie si Kakai, ang Wander Bra na ipapalabas sa Setyembre 12.

May cameo si Ahron sa wanderful movie na ito.


Kasabay nito ang playdate ng Regal movie na The Hopeless Romantic, kung saan bida sina Pepe Herrera at Ritz Azul.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Siyempre, hopeful ito na kikita.


Sa nalalapit na panahon, may kani-kanyang pelikulang pinagbibidahan sina Donna Cariaga at Karla Estrada.

Teka! Magbibida pa kaya sa comedy movie sina Ai-Ai de las Alas, Eugene Domingo, Pokwang, at Melai Cantiveros?

NOEL FERRER: Mas naa-appreciate ko yung mga komedyante na hindi conscious sa pagpapatawa. Yung mga hindi stereotype na mukhang komedyante pero keri at swabe ang pagpapaligaya sa atin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya, ok sa akin si Angelica Panganiban (Banana Sundae), Ogie Alcasid (sa Your Face Sounds Familiar), Alex Gonzaga at Wacky Kiray pati na si Bayani Agbayani (sa I Can See Your Voice), si Divine (sa Dear Uge) at si Melai (sa Magandang Buhay).

Kailangang may angking talino ka rin talaga para epektibong makapagpatawa.

If not, waley, pansamantala lang o pilit pa.

Basta, good luck sa mga nagpapatawa—kailangan natin sila lalo na sa panahon ngayon, di ba?


GORGY RULA: Iba pa rin ang patawa siyempre nina Ai-Ai, Pokwang, at iba pang bagong comediennes.

So far si Vhong Navarro pa rin ang maituturing na prinsipe ng komedya. Hindi naman nasundan na ni Empoy pagkatapos ng Kita Kita.

Hindi naman nakalusot si Jerald Napoles.

Medyo duda pa ako rito kay Pepe Herrera, e.

Sa mga sumusubok pa ring magbida gaya ni Kakai Bautista, hindi naman ako gaanong naaliw sa kanya. Pati itong si Donna Cariaga, di rin ako natatawa sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dun pa rin ako sa mga datihan.

Sana makapanood pa tayo ng kakaibang comedy na talagang nakakatawa kagaya nung Patay na si Hesus.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close