Erik Santos vs. Jed Madela, kanino kayo?

NOEL FERRER: Nang mag-guest si Erik Santos sa unang episode ng month-long first anniversary celebration ng Level Up, Showbiz Saturdate sa Radyo Inquirer ng inyong lingkod, ang sabi ni Erik, “Ay, maganda yang idea ng back-to-back concert with Jed—at least magkaibigan kami at iba naman ang pag-atake namin ng kanta.

“Anytime, pero pagkatapos na ng solo concerts namin.”

Parehong nagse-celebrate ng 15th anniversary sa showbiz sina Erik Santos at Jed Madela ngayong taon with their respective concerts.

Si Erik ay sa September 22 sa MOA Arena, samantalang yung kay Jed ay sa November 16 sa Araneta Coliseum.

Kaya naman nang mag-guest si Jed kagabi sa radio show, tinanong ko siya kung payag siyang makipag-back-to-back concerf with Erik, ang sabi niya, “Game ako, hindi ako uurong diyan!”

So, let that showdown of the King of Teleserye Theme Songs and World Champion happen next year!

Sino ang manok ninyo, Ka-Troika?



JERRY OLEA: Mas magaling si Jed, pero mas sikat si Erik!

Parehong malinis ang mga ibinubuga nilang nota sa pagkanta... I wonder kung magpapasiklab sila sa pagsasayaw.

Tunay pong kaabang-abang ang showdown nila!

GORGY RULA: Iyun nga lang, pagdating sa publicity hindi mawawala ang mga intriga mula sa mga malisoyoso't malisyosa kagaya ko!

Pero maganda sana yan.

Ako, mas bet ko si Erik. Pero tiyak na lamang na lamang si Jed sa biritan.

Swak na swak na yan kahit silang dalawa lang at hindi na kailangang kumuha ng guest. Pero kung sakaling kumuha sila ng guest, may masa-suggest po ba kayo?

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN