Young actor, pinalayas sa nirerentahang apartment dahil sa "ingay" nila ng girlfriend

by PEP Troika
Aug 27, 2018

JERRY OLEA: Pinalayas ng landlady ang pogilicious young actor sa apartment unit na nirentahan nito sa isang subdivision sa Quezon City.

Kuwento ng landlady na tubong-Pangasinan, “Mabait si pogilicious young actor at nagbabayad sa oras.

“Kaso, madalas na iniuuwi niya sa apartment ang girlfriend niyang athlete. Siyempre, bugso ng kanilang kabataan, mainit sila sa isa’t isa.

“OK lang na gawin nila ang gusto nilang gawin. Botante na sila at parehong kumikita.

“Kaso, kapag inihuhulagpos nila ang init ng kanilang pag-ibig, ang ingay nila!

“Nagreklamo yung nanay ng katabing apartment unit.

"Naririnig kasi ng batang anak niya ang mga ungol nina young actor at girlfriend na athlete.

“Kaya wala akong choice kundi paalisin si young actor sa apartment.”

GORGY RULA: Ay, grabe naman! Parang ayoko paniwalaan na ganun sila kainit.

Si girl parang titibo-tibo at si pogilicious aktor parang tatahi-tahimik lang naman, ah.

Matagal tagal na rin ang relasyon ng dalawa.

Continue reading below ↓

Baka iyang mainit nilang pagniniig ang isa sa rason kung bakit matatag ang kanilang relasyon.

Ang bongga!

NOEL FERRER: Grounds ba para paalisin ng apartment ang pag-ungol?

Marahil kailangang maglagay lang ng kurtina na puwedeng mag-absorb ng sound ng ungol o ng better sound proofing or lunurin na lang sa ibang mas wholesome na music ang pagniniig ng magkasintahan.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

At paalisin ba agad, hindi ba puwedeng warning muna?

Para lang masabihan silang hinay-hinay sa sound, kahit tuloy pa rin ang aksyon?

Oh well, baka puwede namang lumipat sila sa mas malapit sa iyo Tito Gorgy, di ba?

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results