Bianca Umali at Kyline Alcantara, magkabati na?

GORGY RULA: Walang nakakaalam kung okey na ba talaga sina Bianca Umali at Kyline Alcantara, dahil marami ang nakapansing nagbatian at nagkatsikahan na silang dalawa nang magkita sa reunion ng Kambal, Karibal.


Nag-host si Marvin Agustin ng dinner para sa lahat ng cast ng katatapos lang na drama series ng GMA-7 sa kanyang tahanan sa White Plains, Quezon City, noong Sabado, August 25.

Bongga at sosyal ang inihanda ni Marvin na boodle fight na dinaluhan ng halos buong cast ng Kambal, Karibal at top executives ng drama series.

Ayon sa ilang napagtanungan ng PEP Troika, nagkabati na ang dalawang kontrobersiyal na bida ng Kambal, Karibal pagkatapos ng nangyaring pag-boo at pag-thumbs down ng ilang fans kay Kyline sa regional show nila sa Iloilo noong August 19.

Noong August 23 ay magkasama rin sina Bianca at Kyline na nag-taping para sa Daig Kayo ng Lola Ko.

Sabi ng aming source, maayos naman daw na nag-uusap ang dalawa sa taping ng Daig Kayo ng Lola Ko dahil Siamese twins ang role nila. Magkadugtong ang suot nilang damit, kaya hindi raw puwedeng hindi sila magkausap.

Medyo taranta nga raw ang production staff ng fantasy program na ito kaya pinaghiwalay sila ng dressing room.

Pero pareho naman silang professional na hindi naapektuhan ang taping sa kanilang hidwaan. Nagtsitsikahan naman daw sila sa set kapag kukunan na ang eksena nilang dalawa.

Nakausap namin ang ilang taong malapit kay Kyline. Sabi nila, tapos na raw ang isyung nangyari sa Iloilo.

Gusto rin naman daw ni Kyline na maging okay na silang lahat.

Iimbitahin nga raw ni Kyline sina Bianca, Miguel Tanfelix, at mga kasamahan nila sa Kambal, Karibal sa nalalapit niyang concert, ang Kyline Take Fl16ht, na gaganapin sa SM Skydome sa September 8.

Inaasahan niyang makakadalo silang lahat.

NOEL FERRER: Ay, may concert naman pala, kaya dapat lang maging okey na silang lahat.

I’m sure naayos na ito ng kanilang handlers para good vibes na lahat.

Marahil naka-move on na rin ang lahat.

So, totoo bang sina Miguel at Kyline na?

Ok lang naman, pero di ba medyo ang batang na-involve nitong si Kyline sa kung kanino?

E, ang paborito kong si Bianca (nagalingan kasi ako sa kanya doon sa Martial Law special nila nina Alden Richards at Rocco Nacino), naka-move on na ba?

Sana sa mas deserving at magaling na aktor. Feeling ko naman.

JERRY OLEA: Sabi ng isang insider, magkaibigan noon sina Bianca at Kyline.

“Meron lang umeksenang kalawang!” maigting na bulalas ng insider.

Bata pa si Kyline at naka-focus muna siya sa career.

Friends lang sila ni Miguel.

I doubt kung bet ni Kyline na maging “Salome.”

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN