Cathy Garcia-Molina, mandidiring idirek ang KathNiel sa isang sex scene

by PEP Troika
Aug 28, 2018

JERRY OLEA: Mature na talaga ang mga karakter nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa pelikulang The Hows Of Us (THOU), na magpi-premiere night ngayong Agosto 28, Martes, sa SM Megamall.


“I think they have never dwelt on anything like this, kasi bawal dapat,” sambit ni Direk Cathy Garcia-Molina sa mediacon ng pelikula last week sa 9501 Restaurant.

Continue reading below ↓

“Matigas lang po ang ulo ko. In fact, pinagbawalan po ako. Pinapangako lang ako na hindi ko pupuntahan ang hindi dapat.

“Hindi ko pinuntahan ang hindi kailangan!

“Kasi, halimbawa... sex.

“Kaya kong magkuwento about a relationship without it.

“Saka mandidiri naman ako sa sarili kong panoorin ang dalawang ito at idirek sa ganung klaseng eksena...”

Dahil walang sex scene, PG ang classification ng THOU mula sa MTRCB.

At kahit walang sex scene, A ang grado nito mula sa CEB.

Hindi kailangan ang sex scene sa KathNiel movie na ito. Pero kinailangan ba ang kissing scene?

Sagot ni Direk Cathy, “Kinailangan dahil normal siyang parte ng buhay.

"Otherwise, hindi kailangan dahil kailangang magpakita, alam mo yun? May clamor. Ganun.

“No! No!”

GORGY RULA: Ang taas ng expectations ng KathNiel fans sa pelikulang ito.

Target daw nila sa first day hindi bababa sa PHP25M.

Continue reading below ↓

Todo ang suporta ng lahat, na pati ang mommy ni Kathryn na si Min Bernardo ay may pakulo pang magbibigay ng 10% discount sa mga manonood ng THOU sa lahat ng branches ng KathNails, ang pag-aaring nail spa ng Kapamilya actress.

Sabi ng isa sa pinakamalapit kay Kathryn na si Ogie Narvaez Rodriguez, itago lang ang ticket sa sinehan ng dahil makakakuha sila ng 10% discount sa Kathnails hanggang September 29.

Kaya dapat talagang mag-hit ang pelikulang ito at ma-break ang record ng Sid and Aya nina Dingdong Dantes at Anne Curtis.

NOEL FERRER: Excited ako sa pelikulang ito ng KathNiel.

Kung nabitin tayo sa Barcelona noon, sana sapul ito sa transition nila sa pagka-adult at pagma-mature.

JaDine had their banner adult movie na Never Not Love You.

I’m sure mas malaki ang expectations dito sa box-office tandem ng KathNiel, at sana kilalanin na silang mahuhusay na mga aktor sa pelikulang ito.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results