The Hows of Us ng KathNiel, tinatayang kikita ng P20M sa opening day

NOEL FERRER: Humataw sa takilya ang opening day ng KathNiel movie na The Hows Of Us directed by Cathy Garcia-Molina.

As of 3 p.m. kanina, nakaka-PHP8M million na ito, ayon sa aming reliable sources.

Ang projection nga ng bookers ay PHP20M ang pinakamababa nitong gross ngayong araw.

And with the looks of it, mukhang hihigit pa rito ang overall first-day take ng pelikula.


Kailangang humataw talaga ito sa takilya para maabot nito ang target na at least PHP200M total gross, na napakahirap ma-achieve dahil maraming katapat na pelikula, tulad ng Equalizer at may naka-sked pang papalit na Goyo next week.

Comparatively, ang Miss Granny nina Sarah Geronimo, James Reid, at Xian Lim reached PHP80M after its first week run.

Ngayon, naka-slide sked na ito sa ibang Hollywood movies.

If trends will continue, malamang sumampa naman ng PHP110M to PHP120M ang Miss Granny.

On ground, kumusta ang sitwasyon, Tito Jerry at Gorgy?

JERRY OLEA: Tweet ng Viva Films, naka-PHP85M ang Miss Granny sa unang linggo (Agosto 22-28).

Ayon sa source naming insider, ang kasabay nitong Crazy Rich Asians ay naka-PHP110M on its first week sa Pilipinas.

Iyong mga kaibigan naming umulit sa panonood ng Crazy Rich Asians ay lalong nagandahan sa second viewing nito.

Salat ito sa product placements na nakaka-distract.

May emotional impact ang Mandarin version ng "Yellow" (original ng Coldplay) na kinanta ni Kathrine Ho—swak sa ginintuang gown ni Kris Aquino.

Andiyan pa ang mga “pagpupugay” sa The Joy Luck Club.

Napanood namin ang The Hows Of Us nitong opening day, Agosto 29, Miyerkules—5:30 p.m. block screening sa Cinema 4 ng Robinson’s Galleria.

Nagkagulo ang fans nang sumaglit doon ang KathNiel.

Hindi kataka-taka na maka-PHP20M ang THOU on its first day.

Ito ang pinakamalakas na pelikulang nag-open ngayong Agosto 2018 sa Pilipinas.

Kikiligin nang bonggang-bongga ang mga manonood, at tatamaan ang kanilang mga puso.

Logical ang pagkakalahad ng istorya. Wala itong elemento na nakakaburyong.

Highly recommended ko ang The Hows Of Us.

Dahil pare-parehong kumikita ang THOU, Crazy Rich Asians, at Miss Granny, hindi ako magtataka kung maging matamlay ang mga susunod na pelikula—Goyo at Petmalu sa Setyembre 5.

GORGY RULA: Talaga namang kinarir ng KathNiel fans na mag-hit ang The Hows of Us kaya super-dami ang block screening na pina-schedule nila.

Maganda pa ang feedback sa pelikula kaya may sustaining power.

Good luck na lang sa mga susunod na pelikulang ipalalabas.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN