The Hows of Us, highest box-office opening ng KathNiel

JERRY OLEA: PHP35.9M ang opening day gross ng The Hows of Us nitong Agosto 29, Miyerkules, ayon sa Star Cinema.

Take note na regular day ito. Hindi holiday. “Pecha de peligro” sa ibang sumusuweldo nang kinsenas at katapusan.


Iyong She’s Dating The Gangster ay naka-PHP15M nang mag-open sa 140 sinehan noong Hulyo 16, 2014.

Iyong Crazy Beautiful You ay naka-PHP32M nang mag-open sa 184 sinehan noong Pebrero 25, 2015.

Iyong Barcelona: A Love Untold ay naka-PHP23M nang mag-open sa 215 sinehan noong Setyembre 14, 2016.

Iyong Can’t Help Falling in Love ay naka-PHP33M nang mag-open sa 300 sinehan noong Abril 15, 2017 (Black Saturday).

NOEL FERRER: Confeeeeeermed! I asked our booker-friends and, yes, we are really happy that, finally, napatunayan na kapag gusto ng mga Pilipino ang pelikula, lumalabas sila at nanonood sa sinehan.

Hindi ba’t noong nakaraang mga linggo after Cinemalaya, during BuyBust at sa Pista ng Pelikulang Pilipino, tinatanong natin, nasaan ang mga manonood ng pelikulang Pilipino?

Heto sila at naglabasan sa The Hows of Us.

The bookers and cinema owners also attributed the high first-day gross to the masigasig fans and supporters ng KathNiel tandem dahil sa dami raw talaga ng block screenings!

Ang saya at buhay na buhay na naman ang pelikulang Pilipino.

Direk Cathy Garcia-Molina, it worked!

On a personal note kay Direk, ang iyong lucky charm, maliban siyempre sa mga bida na Kathyn at Daniel—ang ever-reliable na mahal nating si Joross Gamboa ay hindi mawawala bilang pampasuwerte! Hahaha!

See you in the theaters!

GORGY RULA: Kaya naman ganado sina Daniel at Kathryn sa pag-iikot sa mga block screening na in-organize ng fans niya.

Halos buong buwan daw ng September ay may mga naka-schedule silang block screening at sobrang na-appreciate ito ng dalawa.

Hindi na nga madi-deny na ang KathNiel pa rin ang pinaka-bankable na love team sa ngayon.

Sana hindi maapektuhan ang mga susunod na local films na walang panlabang love team.

Hangad naman nating tuluy-tuloy na itong magandang box-office performance ng mga pelikulang natin.

Congratulations sa KathNiel at sa Star Cinema siyempre!

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN