Seksing reporter, may kinalaman sa pagre-resign ng TV executive?

by PEP Troika
Aug 30, 2018

JERRY OLEA: Mas malakas pa sa mga nagsasalpukang pompyang ang usap-usapan kaugnay sa bossing executive at seksing reporter ng isang TV network.

May reputasyon si bossing executive na maangas. Makapangyarihan sa tunggalian. Mabangis ang ninja moves.

Pero may hangganan ang paghaharing-uri ni bossing executive sa kanyang tungkulin.

Nawala siya sa kinaluluklukang trono noong katapusan ng Hulyo dahil daw sa reklamo ng seksing reporter na notorious sa pagwawalwal at pakikipaglandian sa celebrities—banyaga man o dugong-kayumanggi.


Continue reading below ↓

Dinadalirot ng inner circle ni Tia Fining kung kusang-loob na nag-resign si bossing executive, o napilitan itong mag-sabbatical... indefinite leave... o graceful exit.

Toingk!

GORGY RULA: Kumakalat na ang tsismis na ito, na dinig ko ay matagal nang nag-resign itong si bossing executive.

Hindi kaya itong si seksing reporter din ang nagpasimuno ng kuwento?

Medyo feeling din kasi itong si seksing reporter na akala mo kanasa-nasa.

May narinig din akong kuwento tungkol sa kanya. Kung mayroong harassment na nangyari, pakinggan natin kung ano talaga ang totoong nangyari.

Pero tingnan natin kung magsasalita siya tungkol sa isyung iyan.

Ano ba ang nasagap mo, Sir Noel?

NOEL FERRER: Kilala ko ang dalawang characters na involved.

In fairness, kilalang mahusay talaga sa trabaho ang bossing executive na tinutukoy.

Si reporter naman ay sadyang "gifted."

Nakakalungkot ang nangyari at humantong sa ganito.

Habang ang dating boss ay sinasabihan ng “good luck on your new endeavor” ng mga dating katrabaho, ang reporter naman ay inaasahang lalong magsikhay at patunayan ang sarili sa news gathering para hindi sabihing ang kanyang pagka-gifted lang ang nagluklok sa kanya sa posisyon.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results