JERRY OLEA: Naka-PHP70.76M ang The Hows Of Us sa loob ng dalawang araw (Agosto 29 at 30), ayon sa Star Cinema.
PHP35.94M ang opening day gross ng KathNiel movie noong Agosto 29, Miyerkules.
Ito ang pinakamalakas na opening ng tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
PHP34.82M ang hinamig nito sa ikalawang araw.
Bongga ang word-of-mouth sa pelikula. Matindi ang buzz.
Tuluy-tuloy ang block screenings hanggang Setyembre.
Nakatulong ba ang pag-amin ni Daniel sa mediacon na mahigit limang taon na ang relasyon nila ni Kathryn?
Sabi ng KathNiel fan na si Ogie Narvaez Rodriguez, “Matagal nang alam ng kanilang fans na meron silang relasyon. Alam namin na nagse-celebrate sila ng anniversary.”
Inaasahan naming lalakas pa ang THOU ngayong weekend.
Maayos at matino ang pagkakalahad ng istorya nito. Swabe ang mga pakilig, hindi pilit.
Aliw ang “battle of the sexes” nina Primo at George.
Realistic ang pinagdaanan ng kanilang pag-ibig—humabi ng matatayog na pangarap, nagising sa katotohanan, at bumangon sa pagkalugmok.
NOEL FERRER: Mukhang tatagal nga sa mga sinehan ang The Hows Of Us. Good for our industry!
Hindi ko lang alam kung paano ito makakaapekto sa box-office showing ng ipapalabas pa lang na Goyo: Ang Batang Heneral at iba pa.
Grabe rin ang naitulong ng aggressive na block screenings! Assured audience na kasi ito!
Sa huli’t huli, what matters is that it is a good film. Relatable at technically well-crafted that people identified with. Bonus na Graded A ng Cinema Evaluation Board ang The Hows Of Us.
Promise, susuuingin ko ang dami ng tao sa sinehan para panoorin ang pelikulang ito!
GORGY RULA: Kinarir nang husto ng KathNiel fans para ma-break ng THOU ang box-office record ng Sid & Aya nina Dingdong Dantes at Anne Curtis.
At target talaga nilang paabutin ito ng isang buwan sa mga sinehan.
Pinag-uusapan nga ng ilang producers na ang pinakamataas na kinita ng isang local film ngayong 2018 ay mahigit PHP160M lang, at ito nga ay ang Sid & Aya.
Sana raw ay mayroon pang hihigit dito, at mukhang ito na ngang The Hows Of Us.
Tama lang naman na ito ang pinakamalakas na pelikula nina Daniel at Kathryn dahil panghuli na nila ito, di ba?
Hindi na nga ba talaga ito masusundan?