Young actor, walang kadala-dala sa pagsemplang sa motorsiklo

by PEP Troika
Sep 1, 2018

JERRY OLEA: Naaliw ako sa blind item ni Niño Muhlach nitong Setyembre 1, Sabado ng tanghaling tapat, sa Facebook.

Ani Onin, “May tsismax ako!

"Sino itong young actor from a showbiz family ang kinarir ang pag semplang sa motorsiklo?


“Kakasemplang lang noong August 28 sa Batangas, aba eh wala pa ring kadala-dala, motor pa more pa din!

Continue reading below ↓

“Kahapon, August 31, di na naman nagpaawat! Ayun, lumipad na parang stuntman na naman ang bagets, tapos, bumangga sa kotseng sinusundan niya.

“Clue: isa sa mga bumida sa pelikulang SQUAD GOALS!

“Sinex itis? May premyo na motorsiklong wasak ang makakasagot!”

Bilang reply, kinumusta namin si young actor na ang initials ay A. M.

Tugon ni Niño, “Ayon, masakit ang katawan! Halos di makalakad!”

NOEL FERRER: Ang saya lang na ang kamag-anak mismo ang nagbubuko ng sariling kadugo. Hehehe!

Siguro gusto lang ni Onin na lalong mag-ingat ito sa kanyang pagmomotorsiklo.

Sana rin ikasikat niya pa ang blind item na ito.

GORGY RULA: Bakit ganun? Sa halip na kumustahin kung ano ang nangyari sa na-blind item ni Onin, aligaga sila sa paghula?

Nang nalaman kung sino yun, hindi man lang kinumusta kung okay na ba ang kalagayan niya.

Nagkaroon lang ng curiousity dahil sa blind item nga pagkakuwento sa FB page niya.

Continue reading below ↓

Meron ngang nag-comment na mag-ingat na, pero natawa naman sila sa pa-blind item ng dating child actor.

Dala na rin siguro nang pagkatsismoso’t tsismosa natin ano?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results