Singer na Manobo prince, isiniwalat ang paggamit sa kanila ng ilang pulitiko

by PEP Troika
Sep 2, 2018

GORGY RULA: Isang prinsipe ng Manobo Tribe ang ipinakilala kahapon, September 1, bilang bagong brand ambassador ng ilang produkto ng Megasoft Hygienic Products, Inc.

Ipinakilala siyang si Aljun Cayawan, pero Datu Agong ang tawag sa kanya ng mga katribu.


Nilinaw ni Aljun na hindi siya mayaman, o tinatawag nilang Prince of Wealth.

Continue reading below ↓

Mahirap lang daw siya, kaya ang tawag sa kanya ay Prince of Responsibility, na iginawad ng kanyang lola na isa sa mga iginagalang na leaders ng Manobo sa Agusan del Sur.

Si Aljun o Datu Agong ay sumali sa World Championships of Performing Arts (WCOPA) 2018 at nag-uwi ng sampung medalya sa singing division at modelling.

Sumali rin siya sa Mr. Philippines kung saan naging 2nd-runner up siya.

Sa aming pakikipag-usap kay Aljun, ibinunyag niyang madalas na nagagamit lang silang mga Manobo ng ilang mga pulitiko.

Kaya bilang isang prinsipe ng kanilang tribu, may proyekto raw siyang tinawag niyang "Sagip Katribu."

Gusto raw sumali at tumulong ng ilang pulitiko, pero tinatanggihan niya ito.

Ani Aljun, “There are some politicians na gumagamit ng tribu.

"Like, gusto nilang i-front na tutulungan pero hindi naman pala dumarating yung tulong. Ginagamit lang yung pangalan.

“Yung Sagip Katribu ko, ayaw kong mahaluan ng mga politicians. Maraming gustong makipag-collaborate sa project ko kasi magandang project daw po.

Continue reading below ↓

“Pero base sa naging experience ko, naranasan ko na pong sabihan na, 'Iyang mga Manobo, kakatayan ko lang iyan ng baboy, sa akin na iyan boboto. Kasi pagkain lang yung habol niyan.'

“Naranasan ko pong ganung diskriminasyon na tingin ng ibang politicians sa amin, mababa.”

Mabuti at marami naman daw siyang nakukuhang suporta sa kanyang supporters na nakakantahan niya.

Nung sumali raw siya sa WCOPA sa Amerika, nakakuha siya ng tulong sa mga kababayan natin doon at nagbigay ng school supplies at iba pang gamit na ibinigay niya sa kanyang mga katribu.

Isa pang ikinalulungkot ni Aljun, marami sa kanilang leaders ang napapatay dahil nadadamay sa conflict ng NPA at gobyerno.

“Napapagitnaan po kami, e. Kami yung nasa gitna ng NPA at sa gobyerno, nasa-sandwich po kami.

"Napagkamalan kaming NPA o kaya sa gobyerno, pinapatay ang mga leaders namin.

“Naranasan ko pa pong pinuntahan ako ng halos isang batalyon na mga sundalo para ipaglaban ang lupa namin,” kuwento ni Aljun.

Continue reading below ↓

Kaya sa pagpapakilala sa kanya ng Megasoft at pagpasok niya sa showbiz, sana may maitulong daw siya sa mga tribung Manobo sa Agusan na talagang dumadaan daw sa matinding hirap.

NOEL FERRER: Napag-usapan namin sa radyo iyan kagabi, September 1, at masaya tayo kung may magiging successful artist na galing sa cultural groups para hindi lang Manila-centric ang lahat.

Inspiring ang kuwento nito kung sakali at sana rooted pa rin sa kasimplehan ng pamumuhay, para hindi malamon ng sistema na talamak ang komersiyalisasyon.

Good luck!

JERRY OLEA: Kung nawawala man sa showbiz scene si Prince Stefan, may bagong Prince na dumating.

Welcome!

Read Next
Read More Stories About
pep troika
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results