RS Francisco, glamorosa ang mga peg sa M. Butterfly photo exhibit

by PEP Troika
Sep 2, 2018

JERRY OLEA: R-18 (For Adults Only) ang dulang M. Butterfly na ipapalabas mula Setyembre 13 hanggang 30 sa Maybank Performing Arts Theater, BGC Arts Center, Bonifacio Global City (BGC), Taguig City.

Maliban kay RS Francisco na gaganap muli bilang Chinese opera singer na si Song Liling, may iba pang mga karakter na maghuhubad sa palabas na idinidirek ni Kanakan-Balintagos.


Continue reading below ↓

At habang palabas ang M. Butterfly sa Maybank Performing Arts Theater, may photo exhibit doon entitled Chrysalis.

Tampok sa exhibit ang iba’t ibang mukha ni Song Liling bilang Perfect Woman.

Ang mga litrato ay kinunan ng Magnificent 7—pitong master photographer—at libre ang kanilang serbisyo.

May silent auction para sa mga litrato, na P50,000 ang starting bid ng bawa’t isa.

Ang malilikom na halaga para rito ay mapupunta sa mga napiling foundation ng bawat master photographer.

Sa mga litrato, takaw-pansin ang “The Way Of All Flesh,” kung saan walang saplot ang French actor na si Olivier Borten (gaganap bilang Rene Gallimard) habang kasama sa kama si Song Liling. Pwetmalu!

Sa litratong ito lang may kasama si RS.


Continue reading below ↓

Buwis-buhay naman si RS sa "Rhapsody in Blue," na kinunan ni Jun de Leon underwater.


Ang iba pang mga litrato ay "Ingenue" ni Raymond Isaac...


Continue reading below ↓

"Sweet Deception" ni Manny Librodo...


"An Untitled Song" ni BJ Pascual...


Continue reading below ↓

"The Chrysalis" ni Wig Tysmans...


At "The Splendor of M" ni Patrick Uy.


Continue reading below ↓

Sa mga magbi-bid sa silent auction, i-email ang bid sa mbutterflymanila@gmail.com, o i-text sa 0917-623-3834.

Ilagay ang buong pangalan, home address, email, mobile number at kung magkano ang bid.

Ang deadline ng pagbi-bid ay sa Setyembre 29 nang 12:00 NN.

Para sa mga detalye, sundan ang MButterflyMNL sa Facebook, Instagram, Twitter at YouTube.

NOEL FERRER: Tatlong sold-out musicals ang magtatapos ngayong gabi.

Ang long-running Rak of Aegis ng PETA ay papalitan ng re-run ng Game of Trolls (na isang anti-Martial Law musical).

Ang Huling El Bimbo (Eraserheads musical) sa Resorts World ay papalitan ng All Out of Love (ng Air Suppy musical naman).

At ang Eto Na, Musical Na Po ng 9 Works sa BGC Arts Center ay papalitan nito ngang M. Butterfly ng Frontrow na medyo nakakawindang ang promo.

Sabi nga mismo ng producer-actor na si RS Francisco, mas mahal pa nga yata ang cost ng invitation nila with matching LED screen at pamaypay kaysa sa mismong cost ng ticket na lahat daw ay pupunta sa charity.

Continue reading below ↓

Looking forward akong mapanood ang version na ito ni Aureaus Solito (na ngayon ay kilala na bilang Kanakan-Balintagos).

Napanood ko kasi ito sa UP noong estudyante pa ako, at tunay na breakthrough ito lalo na para kay RS.

Sana lang hindi ma-gloss over ang kahusayan ng produksyon ng pabonggang promo nito na tila nakakalula.

Naringgan ko na ang ibang taga teatro na nagsasabing, “It looks like a vanity project.”

Para kasing tinodo na lahat ng pera para sa produksyong ito na kinatataasan na ng kilay ng ibang theater groups na salat sa resources.

Basta, good luck sa M. Butterfly at sa iba pang produksyon.

Mabuhay ang teatrong Pilipino!

JERRY OLEA: Ang halaga ng tiket sa M. Butterfly ay P2,000 (Zone 1), P1,750 (Zone 2), P1,500 (Zone 3), P1,250 (Zone 4) at P1,000 (Zone 5).

Para sa tiket, tumawag sa Ticketworld, tel.# 891-9999.

Kabilang sa beneficiaries ng palabas ang Hope for Change, Love Yourself Foundation, Habitat for Humanity, Love Is All We Need, PAWS (Philippine Animal Welfare Society), ELAC (Environmental Legal Assistance), at Trip to Quiapo.

Continue reading below ↓

Nasa cast din ng dula sina Pinky Amador, Norm McLeod, Lee O’Brian, Mayen Estanero, Maya Encila, at Rica Nepomuceno (bilang Opera Singer).

Members ng ensemble bilang Kurogo sina John Paul Ortenero, Pheith Ienna Ballug, Kay Megan Kierulf, Aira Jay Igarta, at Ulysses Basa.

Read Next
Read More Stories About
rs francisco
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results