Kapuso child actor-singer JK Giducos, idolo ang Aegis at si Celine Dion sa biritan

by PEP Troika
Sep 3, 2018

JERRY OLEA: Pinalakpakan nang masigabo ang 12-anyos na si John Kenneth ‘JK’ Giducos nang bumirit sa media con ng Kapuso series na My Special Tatay noong Agosto 28, Martes ng gabi, sa 17th floor ng GMA Network Center.


Masaya si JK sa pagganap bilang best friend ng pangunahing tauhan na si Boyet (Ken Chan) sa special drama series na magsisimula ngayong Setyembre 3, Lunes ng hapon, sa GMA.

Continue reading below ↓

“Talaga pong nagkakasundo kami ni Kuya Ken,” nakangiting lahad ni JK.

“Mapagbiro po si Kuya Ken. Masarap po siyang kasama sa set. Kasi po, magaan po yung feelings!

“Kasi po, talagang ano po... friendly po si Kuya Ken.”

“Pang-master” ni JK sa pagbirit ang mga kantang "Listen," "May Bukas Pa," "Sayang na Sayang," "One Moment In Time," "My Love Will See You Through," "Domino," "My Way," "Never Enough," at "More Today Than Yesterday."

Parehong gusto niya ang pagkanta at pag-akting. Idolo niya sa singing ang Aegis (local) at si Celine Dion (worldwide).

Bakit nagustuhan niya ang Aegis?

“Bukod po sa magaling po silang kumanta, nakikita ko po yung personality po nila,” tugon ni JK.

“Humble lang po sila. Nakatapak pa rin po sila sa lupa.

"Hindi po tumataas yung tingin nila sa sarili nila kahit po napakalayo na po yung narating nila."

Continue reading below ↓

Tubong-Subic, Zambales si JK, na itinampok noon sa Kapuso Mo, Jessica Soho at lumahok sa "Lola’s Playlist" ng Eat Bulaga.

Pangarap niyang makapagpundar ng bahay at jeep para sa kanyang pamilya.

“Pangarap ko po talaga na maitawid ang pamilya ko sa kahirapan... Mahirap lang po talaga kami.

“Si Mama, nagkakandakuba-kuba po sa pagtatrabaho. Minsan, naglalabandera po siya,” pahayag pa ni JK, na bunso sa apat na magkakapatid.

NOEL FERRER: Kung sa ABS-CBN, may Jed Madela at Darren Espanto na parang mentor-mentee na tratuhan at pareho naman talaga silang mahuhusay sa mga ka-batch nila; sa GMA-7, it’s Ken and JK.

Sana maging special nga talaga ang My Special Tatay para kina Ken at JK.

Kung sina Jed at Darren, nagkaka-showdown sa ASAP ng pagbirit, aabangan natin ang showdown ng Aegis, Celine Dion at “Listen” at “One Moment In Time” nina Ken at JK!

Continue reading below ↓

Kaya niyo?

GORGY RULA: Ayokong patulan ang komento ni Sir Noel na inihahambing kina Jed at Darren sina Ken at JK.

Kasisimula pa lang ng batang mang-aawit, tila namamalisyahan na.

Tingnan na lang natin kung magiging maganda rin ang kalalabasan ng My Special Tatay kagaya ng pinalitan nitong afternoon drama na Hindi Ko Kayang Iwan Ka.

Bagong hamon na naman ito kay Ken, na first time gumanap ng isang tatay na mentally challenged.

Kapansin-pansin din dito sa My Special Tatay ang pagtawid-tawid ng magagaling nating veteran actors na hindi talaga nawawalan ng trabaho.

Katatapos lang nina Jestoni Alarcon at Teresa Loyzaga sa ABS-CBN, nasa GMA-7 naman sila ngayon.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results