The Hows Of Us, almost P300M na ang box-office gross

by PEP Troika
Sep 3, 2018

JERRY OLEA: Naka-PHP279.5M ang pelikulang The Hows Of Us (THOU) sa loob ng limang araw (Agosto 29-Setyembre 2), ayon sa Star Cinema.


Sa kasaysayan ng local films, ito ang biggest opening.

Ito rin ang pinakamabilis na umabot sa PHP200M-mark, maging sa PHP250M.

Konting kandirit na lang at aabot ito sa PHP300M.

Continue reading below ↓

Widest release ito para sa pelikulang Pinoy. Mula sa 405 sinehan noong Sabado (Setyembre 1) ay naging 435 ang mga sinehan nito noong Linggo.

Ang first-day gross nito na PHP35.9M noong Miyerkules ay pinakamalakas na first-day gross ng taon, at pinakamalakas ding first day gross ng tambalang KathNiel.

Bumaba ang second-day gross nito—PHP34.8M. Understandable dahil pecha de peligro.

Pero noong Biyernes na katapusan ng buwan, araw ng suweldo—naka-PHP46.2M ang THOU.

Sabado, 3 p.m. pa lang ay pagkalakas-lakas ng movie. Fiesta sa mga sinehan.

Itinala nito ang biggest Saturday gross of all time para sa isang Pinoy movie... PHP80M.

Linggo, naka-PHP82.4 ang THOU. Biggest Sunday gross of all time... Biggest single day gross of all time.

Ganyan ang movie event.

NOEL FERRER: In all fairness, nagtiyap-tiyap talaga lahat ng elemento para maging big box-office hit ang The Hows Of Us:

1. Isang maayos na pelikula na nakaka-relate ang publiko;
2. Mga bankable na mga artistang may box-office appeal na willing mag-ikot at suportahan din ang efforts ng mga sumuporta sa kanila;
3. Isang comprehensive na marketing at sustained promotional plan;
4. Isang mass base na willing tumaya at gumastos para sa block screenings at active talaga sa social media;
5. Ang publikong may magandang word-of-mouth at actively na isinasapubliko ang kanilang magagandaang saloobin sa pelikula.

Continue reading below ↓

Congratulations, Team The Hows Of Us!

Sana may ganito rin ang susunod na pelikulang Goyo.

GORGY RULA: May KathNiel fans na umuulit daw ng panonood, dahil nakakatuwa naman talaga ang pelikula.

Na-experience ko lang nang nanood ako sa isang sinehan sa Makati kahapon, September 2, may ilang kabataang fans na kumukuha ng pictures at video habang kinikilig sa panonood.

Nakaka-distract sila dahil tatlong beses na silang sinita ng usherette doon sa sinehan.

Titigil lang sandali, 'tapos balik na naman sa pagkuha.

Maaring hindi nila alam ang kaparusahan sa nagka-camcording, pero pinagsabihan na silang bawal, ginagawa pa rin nila.

Napakaarogante ng mga kabataang ito!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results