Short film ni Harlene Bautista, humakot ng awards sa 1st Film School Manila filmfest

by PEP Troika
Sep 3, 2018

JERRY OLEA: Saludo ako sa pagiging magnanimous ni Harlene Bautista.

Ang idinirek niyang short film na Kiss ay nagwagi sa katatapos na 1st Film School Manila filmfest bilang best picture, best actress (Mercedes Cabral), best actor (Kiko Matos), at best screenplay (John Carlo Pacala).

'Tapos, ngangey siya bilang direktor. Anyare?!



Continue reading below ↓

Sabi ni Direk Harlene sa Messenger nang mag-PM ako nitong Setyembre 3, Lunes ng gabi, “Hi!!! Best Picture na, ok na okay yun! Hehe! The best Yung kabuuan ng film.

"The winner for Best Director is super deserving! So, walang kaso sa akin.”

Kumusta ang pagdidirek niya ng short film? Kailan siya magdidirek ng full-length feature?

“Nakakakaba magdirek but because I have the best team, naging magaan lahat,” sagot ni Harlene.

“Hmmm... full feature, siguro pag hasang-hasa na. In God's time.”

Nagsalita nang tapos si Harlene na kung gagawa siya ng full feature ay hindi ngayong taon.

“Shorts muna siguro,” aniya pa.

NOEL FERRER: The thing with Harlene Bautista, parang ang kaibigan na si John Lapus, ay nagsimula bilang taong teatro, hanggang sa nagpakahusay bilang mga artista sa TV at pelikula.

Natutuwa ako na nagba-branch out sila sa panibagong kahusayan - ang pagdidirek.

Kung si John Lapus ay meron nang unang full-length film na Pang-MMK para sa Cinema One Originals, hindi malayong magkaroon na rin ng full-length directorial debut si Harlene, lalo pa’t nasa kamay niya rin ang pagpo-produce ng mga magagandang pelikula.

Continue reading below ↓

With Xian Lim, Fifth Salomon, Joross Gamboa having their directorial debuts soon, Harlene’s chance is just a matter of time.

GORGY RULA: May K si Harlene magdirek dahil sa kanyang background sa pelikula at entablado.

Ang dami diyang nakapagdirek na sumali pa sa ilang film festivals, na kailangan pa nilang mag-aral.

Kaya nga bukod kay Harlene, sana makapagdirek na rin ng pelikula sina Gina Alajar at Ricky Davao.

Kaya lang, malaking challenge ito sa kanila dahil bilang artista, dapat mapaarte nila nang maayos ang mga artista nila sa pelikulang ididirek nila.

Read Next
Read More Stories About
pep troika, Harlene Bautista
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results