Tambalan sa isang radio program, nanganganib dahil sa katapat na programa

by PEP Troika
Sep 5, 2018

NOEL FERRER: Ang media work, hindi stable, pabagu-bago. Tanggap na natin ang realidad na iyan.

Minsan hot ka, 'tapos biglang tatapatan ng mas maingay at popular na show, then bigla ka nang papalitan.

In the process nang ganyan ang isang radio program na sinusubaybayan ko.

Medyo matagal na silang namamayagpag sa ere.

Pero noong nagsanib-puwersa ang anchors sa katapat nilang programa, bigla na lang pine-pressure ang anchors na magmukhang mas maaliwalas at engaging sa screen.

Kasi nga, aminin natin, nakakaaliw at talagang kakaiba rin ang kumbinasyon ng bago nilang katapat na programa.

Planong palitan na, dati pa, ang isang anchor ng show.

May lumulutang nang mga pangalan ng papalit, pero paano na ang nabuong tandem ng dalawa?

Anumang pagbabago ay may dalang discomfort.

Pero kung matuloy man ang pagbabago rito ay maging maayos sana ang transition at walang samaan ng loob.

Kung hindi man matuloy, e, di presto, ibig sabihin, nagawan ng paraan at tuloy ang ligaya.

Continue reading below ↓

Ang panalo lagi dito ay ang audience, di ba, Tito Jerry at Gorgy?

JERRY OLEA: Weather-weather, 'ika nga. Ang gulong ng palad—minsan, nasa itaas; minsan, nasa ilalim.

Darating at darating ang oras para sa changing of the guards.

The old must give way to the new.

Kung ang timbang ay hindi sakto... babu!!!

GORGY RULA: Yes! Hindi lang sa TV ang may ganung isyu kundi pati na rin sa radio, dahil napapanood na rin kasi sila sa TV.

Matindi na rin talaga ang labanan, kaya kahit nga sa ibang radio stations ay nag-iisip na rin ng pantapat nila dahil magaan at masaya naman kasi silang panoorin.

Pero ayon sa latest survey, naagaw naman ng istasyon nila, ah! Balik-number one sila uli. May pressure pa rin ba sa ibang anchors nila?

Natataranta na ba sila kapag humahataw ng blind items ang kalabang programa?

Nakakaintriga naman kasi ang blind items, kaya ginawa na ring blind item ang kuwentong ito.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results