Allen Dizon tanggap na mas gusto ng moviegoers ng kilig kesa kalidad 

by PEP Troika
Sep 8, 2018

JERRY OLEA: Tila nagiging paborito ni Direk Brillante Mendoza si Allen Dizon.

Kasali si Allen sa Netflix series ni Direk Brillante na Amo, ganun din sa pelikulang Alpha: The Right To Kill, isa sa 12 official entries ng 66th San Sebastian International Film Festival na mag-uumpisa sa Setyembre 21, at sa Maguindanao, kung saan katambal niya si Judy Ann Santos.

"Siguro, nagkakataon lang na tamang-tama yung mga project niya sa akin,” sambit ni Allen nang makausap namin nitong Setyembre 7, Biyernes, sa Director’s Club ng SM Megamall.

"Kasi, yung Maguindanao naman, hindi naman ako talaga yung choice niya roon, e.

"Nagkataon lang, wala pa silang lead actor doon sa role, e, parang ilang beses nilang in-offer yung ibang mga aktor, hindi sila puwede.

"'Tapos, nagkataon na ako yung available that time, so napunta sa akin iyong Maguindanao."

Si Direk Brillante ang producer ng Twilight Dancers (2006), kung saan isa sa mga bida si Allen.

Continue reading below ↓

Noon pa niya gustong idirek si Allen ngunit hindi nagtutugma ang kanilang schedules.

Sa tamang panahon o pagkakataon, nagkasunud-sunod naman ang kanilang projects.


NOEL FERRER: Hindi lang naman si Allen Dizon ang paboritong available na aktor ni Brillante Mendoza, nandiyan din si Vince Rillon na fixture sa kanyang projects with matching solo publicity pa para sa series na Amo.

Continue reading below ↓

in fairness, pawang mga best actor sa workshops ni Direk Brillante ang mga paborito niya—sina Vince Rillon (Amo), Jomari Angeles (Ma’ Rosa) at Elijah Filamor (Alpha TRTK).

Hangad ko talaga na dumating ang panahon na isang pelikula ni Brillante ay matamasa na kumita ng hundred million mark, at kumunek sa masa ang kanyang napapanahong mensahe sa kanyang obra.

Sana!


Continue reading below ↓

GORGY RULA: May konting dismaya lang si Allen nang nakausap namin kahapon dahil aminado naman siyang mas kilala pa raw siya sa ibang bansa kesa dito sa atin.

"Parang," natatawa niyang sagot nang tinanong ko kung ramdam ba niyang mas kilala siya doon kesa dito sa atin.

Mas nakikita niya ang respeto sa kanya bilang aktor sa mga international film festivals dahil kilala na siya roon bilang isang magaling na aktor.

"Mas kilala ako dun ng mga jury dun.

"Nakakataba rin ng puso kasi abroad yun, e.

"Saka yung ibang pelikula na pinalabas dun, alam nila," sabi pa ni Allen.

Tanggap naman daw niyang iba ang mga moviegoers dito na karamihan ay mga fans ng mga sikat na love teams at iyun ang tinatangkilik nila.

Pero mamayang gabi (September 8) naman, tampok si Allen sa episode ng Maalala Mo Kaya, kung saan makakatambal niya si Meryll Soriano.

Nabanggit din niyang iba raw talaga ang akting ng pang-TV kesa sa mga indie films na ginagawa niya.

Continue reading below ↓

"Sa TV kasi pati pagbibitaw ng dialogue iba, e. Talagang pinu-push ka talaga. May pressure sa acting, gusto nila taas talaga.

"Sa TV, dun talaga ako nag-a-adjust, sa pelikula hindi gaano, e," dagdag na pahayag ni Allen.

Read Next
Read More Stories About
Allen Dizon
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results