Celebrity books, bina-bargain na lang

by PEP Troika
Sep 14, 2018

NOEL FERRER: Mamaya, September 14, nakatakda ang aking yearly meet-and-greet at forum para sa 2018 Manila International Book Fair.

Naging taunan ko nang panata ang palaganapin ang pagbabasa ng libro at pagtuklas ng bagong karunungan.

Nagulat lang ako na habang in na in ang celebrity books, bagsak-presyo at umabot pa sa 50 pesos na lang—meaning bargain—na ang mga libro nina Alex Gonzaga, Solenn Heussaff, Georgina Wilson, Annabelle Rama, Baron Geisler, Hashtags, Andrea Brillantes, maging ang JaDine, at marami pang iba.


Continue reading below ↓

Nag-uubos na lang ba sila ng stocks or weather-weather lang ang celebrity books talaga?

May balita pa ngang dahil sa bagong Train Law, tataas na rin daw ang presyo ng mga libro.

Paano pa, di ba?

JERRY OLEA: Bumibili pa rin ako ng hardbound books.

Inaantabayanan ko ang paglabas ng Lethal White, ikaapat na nobela ni Robert Galbraith (pseudonym ni J. K. Rowling) na nagtatampok kay Cormoran Strike.

Pero mas madalas na magbasa ako ng stories online sa iPad.

Sandamukal ang mga libreng aklat sa iba’t ibang app.

Kumonti ang nakalaan kong oras sa pagbabasa dahil sa iba pang anyo ng libangan—gaya ng paglalaro ng games sa cellphone o iPad, at panonood ng mga series sa Netflix.

Kaya hindi na ako nagtataka kung tambak ang mga libro ng local celebs na hindi nabebenta, at bina-bargain upang pagkakitaan pa rin kahit paano ng publishers.

GORGY RULA: Hindi ko maisip kung ano kaya ang nararamdaman ng mga celebrity na tigpi-50 pesos na lang ang libro nila.

Continue reading below ↓

Siguro masakit dun sa mga naghirap sa pagsulat at pati sa pag-research.

Pero iyung ibang hindi naman sila mismo ang nagsulat, at ginamit lang ang pangalan nila, keber lang siguro.

Pero ang iba diyan, nalaman ko na kaya na-sold out ang libro nila dahil may nag-sponsor kung saan bumili ng bultu-bultong kopya ng libro.

Nakita ko nga sa may kusina ng tinitirhan ng isang sikat na aktor, nakatambak doon ang libro ng isang celebrity mom.

Daan-daan kasi ang biniling kopya bilang pakikisama na lang kay celebrity mom.

Kung uso lang sa kanila ang paggamit ng panggatong sa pagluluto, matagal na sigurong ubos yun.

Nakatambak lang kasi doon sa may bandang likuran ng kusina ng tinitirhan niya at hindi naman ipinamimigay.

Hindi nga yata niya nabasa ang librong yun kahit mahilig siyang magbasa.

Pakikisama na lang siguro sa celebrity na yun at dala na rin nang pangungulit na bilhin ang libro niya.

Continue reading below ↓

Bongga nga si Sir Noel, dahil hindi pa nasi-sale ang libro niya.

Kaya nga may book signing pa siya ngayong hapon sa MOA-SMX sa may National Bookstore booth dahil marami pa ring bumibili sa libro niyang Mag-Artista Ka at Sisikat Din Ako.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results