Pinoy international celebrity, kabaliktaran ang ugali sa maamo niyang mukha?

by PEP Troika
Sep 17, 2018

NOEL FERRER: Isang Pinoy international celebrity ang nasa public eye ngayon dahil sa magagandang projects na nakukuha nito abroad.

Ngunit sa kabila nito, may nagsasabi na sana raw ay bumait na ito sa pakikitungo sa mga maliliit na tao dahil extremes daw ang character ng naturang personalidad.

Puwede siyang maging super sweet sa mga gusto niyang tao at may pagkamatapobre naman sa iba.

Continue reading below ↓

Naaawa ang mga tao sa dati nitong kasintahan na sobra siyang minahal at pinagsilbihan.

Buti na lang disente ang pamilya ng dating kasintahan nito kaya’t hindi na lang sila nagsasalita sa naging karanasana nila sa personalidad na ito.

Sabi ng ibang observers ay hindi ganun kaburara ang personalidad na ito dahil wala sa hitsura talaga.

Pero burara raw ito hindi lang sa gamit kundi pati sa sarili. Ganern?

JERRY OLEA: Ang Pinay international celebrity na iyan ay lantay na “demonic girlfriend.”

Kung minsan ay animo anghel siya na pagkatamis-tamis ngumiti, ngunit sa likod niyon ay nagkukubli ang ugaling impaktita!

GORGY RULA: Totoo bang pati raw sa mga kasambahay ng dating boyfriend ay hindi raw maganda ang pakikitungo ng personalidad?

Bago pa raw sila nag-break, mayroon na raw itong nakuhang kapalit.

Kaya nagpasalamat na rin ang nanay ng dating boyfriend na nagkahiwalay sila dahil sa mga inasal ng personalidad.

Kaya minsan, mabuti na ring nagkasama sila ng matagal-tagal na panahon bago naplano ang kasalan dahil nakita na ang tunay na ugali nito.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results