Abay Babes, wala pang isang milyon ang first-day gross?

by PEP Troika
Sep 20, 2018

NOEL FERRER: Based sa bookers' reports, naka PHP1.6M sa first day ang Alex Gonzaga movie with Vin Abrenica na Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka.

Naungusan daw nito ang Abay Babes, na general assembly ng Viva stars na sina Cristine Reyes, Nathalie Hart, Kylie Verzosa, Meg Imperial, at Roxanne Barcelo.

Ang balita’y naka-PHP700,000 lang (at PHP400,000 naman sa theater reports).

Continue reading below ↓

May nagbulong pa sa amin na sa mga sinehang palabas ang Ang Babaeng Allergic Sa WiFi ay mas mataas pa ang gross nito kaysa sa kapanabayang Abay Babes.

What accounts for these data kaya, mga ka- Troika?

JERRY OLEA: Sampung sinehan lang ng SM ang pinagpapalabasan ng Ang Babaeng Allergic sa WiFi simula Setyembre 19, at PHP99 lang ang tiket.

Pero maganda ang pelikula. Matino. Matindi ang kurot sa puso.

Gaya ng nasabi ko na, ito ang pinakagusto ko sa mga kalahok sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino nitong Agosto 2018.

Continue reading below ↓

Iyong Abay Babes, sliding nang mag-open sa Gateway Cinemas. Dalawa lang ang screening.

E, kasi naman, seksi-seksihan supposedly ang movie.

E, si Nathalie Hart, buntis. Si Cristine Reyes, lumalaki na ang anak.

Si Roxanne Barcelo, pinapangit sa movie. Si Meg Imperial, titibu-tibo ang role.

Paano gaganahan ang target audience na kalalakihan?

More or less eh 70% puno ang Cinema 4 ng Gateway sa 7:30 p.m. screening ng Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka noong Miyerkules.

“Hugot na hugot” ang pelikula na napakanipis at napakababaw ng istorya, pero relate na relate ang karamihan sa manonood, lalo na ang mga millennial.

Maski ako ay natawa sa dialogue ni Alex Gonzaga na “Kris Aqui!”

Kuwela ang pa-LODI (Laging Option, Di Inuuna) moment ni Ricci Chan.

Naaliw rin ako sa “katuturan” ng Bataan.

Salat sa kaseryosohan o kabuluhan ang pelikula, pero marami ang kahit paano ay makakalimot nang panandalian sa mga problema ng bayan kapag pinanood ito.

Continue reading below ↓

GORGY RULA: May nakausap akong isang source natin, napakahina raw talaga ng Abay Babes.

Hindi pa maganda ang feedback sa pelikula, kaya mukhang malabo itong umabot ng isang linggo.

Hindi pa rin nasundan ng nag hit na local film pagkatapos ng The Hows of Us.

Kahit ang Goyo, naka-PHP95M lang sa two weeks na showing nito.

Read Next
Read More Stories About
abay babes, Goyo, pep troika
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results