Comebacking actress, napurnada ang pagbabalik-pelikula

by PEP Troika
Sep 20, 2018

JERRY OLEA: Pursigido ang mahusay na aktres sa kanyang Oplan: Balik-Alindog alang-alang sa kanyang comeback movie.

Na-excite ang masusugid niyang tagahanga lalo pa’t magtatambal silang muli ng magaling na aktor, at magsu-shoot pa sila sa ibang bansa.

Kamukat-mukat mo, waley na ang mahusay na aktres sa proyekto.

Pinalitan siya ng mas batang aktres na mabango ang pangalan sa takilya.

Continue reading below ↓

Anyare?

Saan pupulutin ang comebacking actress?

Magpapalit ba siyang muli ng manager?

Babalik ba siya sa dati niyang pugad?

Masisilayan ba natin ang kanyang alindog sa bonggang event ng isang malaking network?

NOEL FERRER: Ang alam ko ay susubukan muna ng dating pugad ng aktres ang kanyang powers sa isang pelikula.

Dito susukatin kung disiplinado na siya at may hatak pa sa takilya.

Pero ang tanong: bakit siya nagmamadaling umalis sa kasalukuyan nitong kuwadra?

At saan kaya ito lulugar sa bonggang event ng network gayong may mga existing na doong mga reyna?

Wait and see at tahimik na lang muna tayo dahil ayaw nating matuklaw kung nagkataon.

Behave!!!

GORGY RULA: Kumusta naman kaya ang nagbabalik ding magaling na aktor na dapat makabali- tambalan nitong aktres?

Di ba, pareho sila ng management group?

Ngayong umalis na siya roon, paano na si aktor?

Malabo na ba ang pagbabalik-tambalan nila?

Abangan natin sa malaking pagtitipon ng malaking TV network nito kung dadalo si aktres.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results