Myrtle Sarrosa, inaming malakas ang sex appeal ni Luigi Revilla

by PEP Troika
Sep 25, 2018

JERRY OLEA: Inosente at pa-tweetums ang papel ni Myrtle Sarrosa sa "Amats" episode ng trilogy movie na Tres.

Wala silang bed scene ni Luigi Revilla.

Natawa si Myrtle nang uriratin kung nanghihinayang ba siya at wala silang lampungan ng baguhang aktor.

“Sa ibang film na lang! Ha! Ha! Ha!” halakhak ni Myrtle nang mainterbyu namin sa presscon ng Tres nitong Setyembre 24, Lunes, sa ELJCC Building, ABS-CBN Compound, Quezon City.

From 1 to 10—1 bring the lowest, 10 being the highest—ano ang rating niya sa sex appeal ni Luigi?

Nakangiting sagot ng dalaga, “Bakit gano’n? Hi! Hi! Hi! Ahh… He would be a 10.

“Bilang hindi siya available ngayon, 8 na lang. Hi! Hi! Hi! Binawasan ko.

“Kailangan, availability.”

Continue reading below ↓
 IMAGE @luigirevilla Instagram

NOEL FERRER: Iba rin ang alindog ni Myrtle, ha? Pang-anak ng senador talaga! Hahaha!

Yung anak ba ni Senator Grace Poe na naging ex niya, 10 din kaya ang rating niya?

Oh well, kailangang kumita na itong pelikulang ito ni Myrtle. Para hindi siya mabansagang jinx sa pelikula, ha?

Mas uubra kaya ang Tres sa Wander Bra? I wonder.

JERRY OLEA: Sa solo interview noon kay Luigi, nagpasalamat ang baguhang aktor dahil bukod sa oportunidad na sumabak sa showbiz ay tanggap siya ni Bacoor City Mayor Lani Mercado bilang “stepson.”

Si Luigi ay anak ni dating Senator Bong Revilla sa isang nagngangalang Lovely Guzman.

Maayos din ang samahan ni Luigi at ng half-brothers niyang sina Jolo at Bryan. Nagtutulungan sila.

Tiyempong nakita namin si Mayor Lani sa asalto para sa mister niyang si Bong noong Lunes ng gabi, Setyembre 24, sa Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City.

Dito inamin ni Mayor Lani na tanggap niya si Luigi.

Continue reading below ↓

Nasabi nga ni Lani sa isang morning show, “Hanggang kay Luigi lang, ha?!”

 IMAGE @luigirevilla Instagram
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results