Singer-actress, karay-karay ang pamilya sa taping para makalibre sa pagkain?

by PEP Troika
Sep 25, 2018

GORGY RULA: Aware kaya itong si singer-actress na pinagtsitsismisan siya ng mga staff ng programang nilalabasan niya?

May regular show, minsan guesting sa ilang programa umaapir si singer-actress.

Ang tsismis, karay-karay raw nito ang halos buong pamilya sa taping.

Ka-join daw ang nanay, tatay, kapatid, at minsan kasama pa ang pamangkin at yaya.

Continue reading below ↓

Lahat sila ay nakabantay sa taping kaya kabilang din sila sa mga pakakainin sa catering ng production.

Naloloka raw ang staff dahil, siyempre, lahat naman nagtitipid, kaya mabigat na raw sa kanila na itong si singer-actress, sangkatutak ang kasama na pinapakain sa taping.

Kaya ang tsismis ng staff, nagpapalibre lang daw ng lunch, merienda, at dinner ang buong pamilya ni singer-actress para hindi na sila mag-abalang mamalengke dahil wala nang kakain sa bahay.

Yun na!

NOEL FERRER: Good luck! Hindi ba may nag-aartista rin siyang kapatid?

Naging apple of the eye yun ng kilala nating reporter din.

Siguro, ito ang paraan nila to beat inflation.

Hanggang kailan kaya ito matitiis ng produksiyon?

JERRY OLEA: Nababaitan ako sa singer-actress na may kamag-anak sa showbiz.

Kung totoo ang special tsismis, aba, mag-isip-isip siya!

Baka mawalan siya ng career!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results