Jolo Revilla, umubra kaya ang "agimat" kay Rhian Ramos?

by PEP Troika
Sep 26, 2018

JERRY OLEA: Parehong single sina Jolo Revilla at Rhian Ramos na magkatambal sa "72 Hours" episode ng trilogy movie na Tres.

Dahil sa “agimat” ng mga Revilla, natural na na-link sila sa isa’t isa. May na-develop ba sa kanila or something?

View this post on Instagram

“Denise, wag ka makulit, kinikilig ako.” LOL. #tres #72hours

A post shared by Jolo Revilla (@jolo_revilla) on

“Huwag na nating lagyan ng kulay. We’re good friends,” nakangiting sambit ni Jolo sa mediacon noong Setyembre 24, Lunes, sa 9501 Restaurant ng ELJCC Bldg., ABS-CBN Compound.

“And... ahh... pero hindi niyo rin naman masisisi. Maganda siya. Mabait. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya, di ba?

“Napakabastos ko naman kung sabihin kong hindi siya maganda, hindi siya hot!

“Pero siyempre, sa bawat pinagdadaanan namin sa buhay, magandang... dahan-dahanin lang. Huwag nating mamadaliin yung kung ano man, di ba?

“Dahil siyempre, ako, kakahiwalay lang. Siguro, hindi naman imposible. We’re good friends.”

May cameo sa episode na iyon si Lovi Poe, at ang giveaway sa mediacon ay Flawless products na iniendorso ni Jodi Sta. Maria.

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Mukhang wala namang isyu at problema pa.

Nakikita ko nga sa ilang posts ni Jodi tungkol sa bakasyon niya sa Maldives ay nagku-comment pa si Rhian.

Ang curious lang ako, at gusto ko sanang tanungin si Jodi tungkol dito, bakit dalawang beses daw niyang pinanood ang The Hows of Us nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo?

Nakaka-relate ba sila sa kuwento?

Tinanong ko nga si Jolo tungkol diyan, balak din daw sana niyang panoorin dahil marami ang nagsasabi sa kanyang makaka-relate sila ni Jodi.

Pero wala lang siyang time pa dahil puspusan na ang promo sa pelikula nilang Tres.

NOEL FERRER: Well, may mauuna pang ipalabas na pelikula ngayon si Rhian Ramos na The Trigonal with Ian Ignacio and Monsour del Rosario, directed by Vincent Soberano.

Tingnan natin ano ang maidadagdag niya sa pelikula ng magkakapatid na Revila. Go Tres!!!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results