Lucy Torres-Gomez, excited na sa shooting ng Richard-Sharon movie sa Ormoc

by PEP Troika
Sep 26, 2018

JERRY OLEA: Excited si Congresswoman Lucy Torres-Gomez na magsu-shoot sina Sharon Cuneta at mister niyang si Richard Gomez ng movie sa Ormoc City.

“It’s always nice when he shoots a movie and I think, ahh... he will have time to shoot the movie, he can’t naman leave Ormoc,” nakangiting lahad ni Lucy nang mainterbyu namin last Sunday, September 23, sa Pinto Art Museum, Antipolo City.

“So it’s nice that Star Cinema is actually considering to go to Ormoc to shoot.

"It would be nice also for people to see the beauty of Ormoc."

Continue reading below ↓
 IMAGE Jerry Olea

NOEL FERRER: Blocked off ang October 14-28 schedule ng mga artista para mag-shoot sa Ormoc.

Tunay ngang magandang pagkakataon yun para ipakita ang ganda ng kanilang probinsiya: ang pinyahan, ang honeybee farm, at ang kanilang beaches.

Looking forward tayong ma-cover ito, di ba, Troika, dahil love natin ang Ormoc at ang mga tao at namumuno rito.

At oo, para sa mga nagmamahal kina Sharon at Goma, huwag kayong mawawala sa My 40 Years concert ni Shawie sa Friday, September 28, ha!

GORGY RULA: Kasama rin kaya sa Ormoc si Kathryn Bernardo?

Ngayon pa lang, nagpahayag na ang ilang grupo ng fans ni Kathryn na all-out ang suporta nila sa proyektong ito.

Malaking challenge ito sa kanila dahil wala si Daniel Padilla.

Dapat maipakita nilang kayang-kaya nilang palakasin ang isang pelikula kahit hindi nabebenta ang KathNiel love team.

Kaabang-abang ang pagbabalik-tambalan nina Sharon at Goma, pero malaking bagay rin ang partisipasyon ni Kathryn.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results