Bagong Eat Bulaga co-host Maureen Wroblewitz, pinuputakti na ng bashers

by PEP Troika
Sep 26, 2018

JERRY OLEA: Noong Setyembre 24, Lunes ng tanghali, lang nag-umpisa si Maureen Wroblewitz sa Eat Bulaga, pero pinuputakti na siya ng bashers and haters sa socmed.

 IMAGE Jerry Olea

“Well, it’s fine,” kaswal na reaksiyon ng Asia’s Next Top Model (Season 5) winner nang mainterbyu namin nitong Setyembre 26, Miyerkules ng hapon, sa Broadway Centrum.

Continue reading below ↓

“It’s normal. We anticipated it. Everyone tells me, they have so many bashers as well.

“So this is bigger in the public eye, you’ll have bashers. You’ll have to get used to that.

"It’s normal. I knew that’s gonna happen.

“So I just focus on the positive comments. You know, I wouldn’t... I wouldn’t say like it’s not... you know, hurtful, and all that.

“But I really don’t care about this.”

Kukuha ng tutor si Maureen para mag-improve ang kanyang pagta-Tagalog.

Sa ngayon, ang “sister” niyang si Ryzza Mae Dizon ang nagtuturo sa kanya ng Tagalog words.

NOEL FERRER: Pasok sa banga at dito nila unang nabasa sa PEP Troika, bilang blind item, ang pagpasok ni Maureen sa Eat Bulaga. Di ba, Tito Gorgy?

Pero heto na... and congratulations kay Maureen for being part of the growing Eat Bulaga! family.

Will she go the way of Daiana Menezes or Lougee or Patricia Tumulak? Sana more!!!

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Kaagad naging close sina Maureen at Ryzza Mae Dizon na mag-sister dito sa Eat Bulaga.

Panay na nga comment ni Ryzza Mae sa mga pinu-post ni Maureen sa kanyang Instagram account.

Tuwang-tuwa pa si Maureen dahil ramdam naman niyang welcome na welcome siya sa mga Dabarkads ng Eat Bulaga.

Tuwang-tuwa nga siya kay Pauleen Luna, na inamin kay Maureen na sinubaybayan nito ang journey niya sa Asia’s Next Top Model.

Isa raw si Pauleen sa nakiiyak nung binu-bully si Maureen ng mga kasamahan niyang models.

Ang pagkakaalam ko, meron pang isang pasabog na segment ang Eat Bulaga! na ibibigay kay Maureen.

At aware siyang hindi siya isasama kay Alden o kay Maine sa isang segment para hindi ito ma-bash nang bonggang-bongga.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results