Cherie Gil, pinatamaan ang isang artista na feeling entitled

by PEP Troika
Sep 26, 2018

NOEL FERRER: Sumabog ang galit ni Lavinia Arguelles (pangalan sa iconic film na Bituing Walang Ningning) sa recent Facebook post ni Cherie Gil, na kilala sa pagiging opinyonada’t palaban.

 IMAGE Noel Orsal

Ang sabi ng premyadong aktres, “Yes ! I am guilty of having walked out on a set in the past and being strict on my cut off time BUT with some exceptions ESPECIALLY when a senior actor is on the set.

Continue reading below ↓

"With all due respect, that will absolutely take precedence over any of my limitations.

"What I don’t understand is that some actors feel entitled and have the right to throw their weight around regardless of any and all such considerations.

"BAKET??? HINDI KA PA PINAPANGANAK artista na sila at malaking kontribusyon sa industrya na pinagkikitaan Mo din ngayon! So BEHAVE ka lang diyan pwede?!

"Nagngingitngit ako! #Breathe"

Sino kaya itong artista na ito?

Sabi nga ng mga nagre-react kay Cherie, “Naku, wag kayong hahara-hara kay Lavinia, kundi makakatikim ka!”

JERRY OLEA: For sure, hindi ito yung project ni Cherie with Alfred Vargas.

Payapa nilang nairaos yun.

Tungkol ba ito sa Kapuso teleserye niyang Onanay, o sa Kapamilya teleseryeng Ngayon at Kailanman kung saan kasali ang nanay niyang si Rosemarie Gil?

Ang feeling entitled na artista, relatively ay baguhan sa industriya.

So, iilan ang pagpipilian sa pinagbe-behave ni Cherie.

GORGY RULA: May ilang reliable source akong nakausap, wala raw silang nasagap na kuwentong insidente sa set ng Onanay.

Continue reading below ↓

May isang young actress daw dun na medyo may attitude, pero walang napabalitang nakabanggaan ni Cherie.

Ayaw na ni Cherie na sabihin kung sino ito.

Sure naman daw siyang makarating ito sa taong tinutukoy niya dahil friends sila sa FB.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results