Regine Velasquez, nagulat na may second season ang The Clash; siya pa rin kaya ang host?

by PEP Troika
Sep 27, 2018

GORGY RULA: Tuluy na tuloy na ba ang pagiging Kapamilya ni Regine Velasquez?

Ang isa sa nasagap kong kuwento na nangyari sa taping ng The Clash, hindi raw alam ni Regine na mayroon palang second season na gagawin sa 2019.

 IMAGE Noel Orsal

Pinag-spiel lang daw si Regine na abangan kung ano ang announcement na lalabas sa kanilang Randomizer.

Continue reading below ↓

Ang lumabas daw: “The Clash 2019!”

Bigla raw natigilan si Regine.

Pero ang isinigaw niya, na siya lang ang makakatili nang bonggang-bongga: “See you in The Clash 2019!”

Siya pa rin kaya ang host sa second season nitong singing competition sa susunod na taon?

Wala namang sagot ang mga taga-The Clash kung si Regine pa rin ba ang maghu-host.

Kung tuloy na ang paglipat niya, posible kayang si Lani Misalucha ang ipapalit?

Type na type din pala ng buong production staff ng The Clash si Lani dahil napakabait daw sa kanila at laging may dalang pagkain sa studio.

Ang isa sa umaasang sana kabilang pa rin siya sa second season ng The Clash ay si Andre Paras, na backstage host kasama si Joyce Pring.

Sobrang na-enjoy kasi niya ang programa nila kaya sana ay ka-join pa rin daw siya sa second season.

Samantala, sa darating na Sabado, September 29, ay may isa pang malalagas sa Final 6 clashers.

Continue reading below ↓

Lima na lang ang maglalaban pagdating ng Linggo, September 30, at tatanghaling kauna-unahang The Clash champion.

JERRY OLEA: Wish ko lang na ang tatanghaling kampeon ng The Clash ay alagaan nang husto at mapasikat ng Kapuso Network.

Kung mag-ober da bakod man si Regine ay hindi iyon katapusan ng mundo.

Sa tuwi-tuwina, kung may nawala, may pumapalit. Kung may umalis, may bumabalik.

At kung may nalalaos, may sumisikat!

NOEL FERRER: Any breakup should be a breakthrough... we wish Regine Velasquez and GMA-7 well kung saan man humantong ang mga susunod na moves nila.

As for Lani, nakakapag-ASAP pa rin ba siya?

Tuloy ang buhay beyond the network wars!!!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results