Aktres na pinaringgan ni Cherie Gil, may saltik nga ba?

by PEP Troika
Sep 28, 2018
PHOTO/S: Jeremiah Idanan

NOEL FERRER: Isang tunay na payanig ang naging pasaring ni Cherie Gil tungkol sa isang aktres na naging pasaway at walang pakundangan sa kanyang kasamahang senior star.

 IMAGE Noel Orsal

Nang makausap ng PEP Troika ang ibang kaibigan ni Miss Lavinia Arguelles (character name ni Cherie sa Bituing Walang Ningning), tila nagkakaisa ang karamihan na may saltik nga ang aktres na tinutukoy ni Cherie.

Continue reading below ↓

Sa teleseryeng kinabibilangan ng aktres at isang senior star, all actors were on the set na. Actors in na.

They were waiting for a long time. They didn’t know, umalis na itong aktres without saying goodbye to anybody. Cut-off na raw niya.

Ikalawa, senior star missed her cue.

Ang ginawa raw nitong aktres ito ay tumigil and said out loud, pointing at the senior star, “She missed her cue.”

Continue reading below ↓

Ilag sa aktres ang ibang kasamahan niya industriya.

Kasi, okey namang mag-stick to the cut-off time, pero kung nagbibigay ang iba, magkaroon naman ng kunsiderasyon. Di ba, Cherie?

Ngayon, mas naiintindihan ko kung saan nanggagaling si Cherie sa comment niya lalo na’t malapit sa kanyang puso ang senior star.

JERRY OLEA: Maliwanag na hindi ito sa set ng Kapuso teleseryeng Onanay, huh?!

Onanay ko po! Feel na feel ko kung sino ang magandang aktres na pinaringgan ni Cherie.

Kung hindi magbe-behave ang magandang aktres ay maaalis siya sa teleserye at hindi na babalik doon kailanman.

Kung hindi pa ninyo mahulaan ngayon kung sino ang magandang aktres, pahihiramin ko kayo ng Spanish dictionary.

GORGY RULA: Kahit saan magpunta ang babaeng ito, may isyu talagang di kagandahan.

Kaya nga ayaw na rin ng isang maganda rin at iginagalang na aktres na makatrabaho siya dahil sa pa-prima donna na attitude.

Malakas ba ang kapit nito na kahit inirereklamo na ng ilang staff at co-stars ay marami pa rin siyang projects?

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results