Myrtle Sarrosa, umaasa pa ring matuloy ang pet project sa kanya ni Direk Maryo J. de los Reyes

by PEP Troika
Sep 28, 2018

JERRY OLEA: Teary-eyed si Myrtle Sarrosa nang mapag-usapan namin ang yumaong direktor na si Maryo J. de los Reyes noong Setyembre 24, Lunes, sa presscon ng pelikulang Tres sa ABS-CBN Compound, QC.

 IMAGE Noel Orsal

Bago pumanaw si Direk Maryo J noong Enero 27 this year, ilang beses naming napag-usapan ang pet project niya na launching movie ni Myrtle.

Continue reading below ↓

Excited si Direk Maryo J na mag-shoot sila sa Singapore. Naniniwala si Direk Maryo J sa kakayahan ng dalaga.

“Talaga?” gumagaralgal ang boses na sambit ng aktres.

“Ang sakit... Months ago, iyak lang ako nang iyak talaga. Kasi, parang itinatanong ko na, bakit ganito yung nangyari?

“At a point na parang... si Direk, isa sa mga pinakaunang direktor na nagsabi talaga sa akin na, ‘Myrtle, leading lady material ka!’

“Ngayon na nangyayari na lahat, pinapirma ako ng Regal, nagkaroon ako ng lead film. May kasunod nang lead film uli.

“Utang na loob ko talaga kay Direk Maryo.”

Bida si Myrtle sa Regal movie na Papa Pogi, kasama sina Teddy Corpuz at Donna Carriaga, sa direksiyon ni Alex Alleja.

Si Gabby Concepcion sana ang leading man ni Myrtle sa Regal movie na ididirek sana ni Maryo J.

Pahayag pa ni Myrtle, “Sabi ni Kuya Gabby, kung puwede, ituloy namin. Kahit kami na lang ang magtuloy ng movie ni Direk Maryo for his legacy.

Continue reading below ↓

“Gusto ko ring mangyari yun para yung mga last na project ni Direk, matupad namin para sa kanya.”

GORGY RULA: Inaasahang mag-hit itong Tres, kung saan kabilang si Myrtle. Para meron naman sana siyang pelikulang kumita.

Kailangan talagang may mag-hit siyang pelikula para may magsusugal uli na producer na bigyan siya ng pelikulang pagbibidahan niya.

NOEL FERRER: The pressure is on Myrtle.

Ang Tres na ba ang magbubura ng record niya sa Wander Bra?

Sana.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results