40th anniversary concert ni Sharon Cuneta, sulit at entertaining

by PEP Troika
Sep 28, 2018

NOEL FERRER: Sulit at mega entertaining ang katatapos lang na My 40 Years concert ng ating Megastar Sharon Cuneta na ginanap sa Araneta Coliseum ngayon gabi, September 28.

View this post on Instagram

Sharon Cuneta opens her concert with the song Bituing Walang Ningning �?�? #sharonmy40years

A post shared by Smart Araneta Coliseum (@thearanetacoliseum) on

Habang naghihintay, walang panahong sinayang dahil may mga magagandang videos na nagbibigay ng highlights ng kanyang career bilang singer, artista, host, endorser, at major influencer.

Sinamahan si Sharon ng mahahalagang tao sa buhay niya tulad ni KC Concepcion, the biggest achievement sa kanyang unang dekada sa industriya.

View this post on Instagram

@itskcconcepcion and @reallysharoncuneta sing one of Sharon’s hits Dear Heart. #sharonmy40years

A post shared by Smart Araneta Coliseum (@thearanetacoliseum) on

Sinamahan siya ng Isidro sisters (Agot, Olive, and Tina) with Kuh Ledesma and Zsa Zsa Padilla sa The Sharon Cuneta Show.

View this post on Instagram

The Divas @kuhledesma and @zsazsapadilla join the Mega star onstage to sing well-loved hits. #sharonmy40years

A post shared by Smart Araneta Coliseum (@thearanetacoliseum) on

Sinamahan din siya ni Basil Valdez, Christopher de Leon, Martin Nievera, Gary Valenciano, at may surprise harana from Regine Velasquez.

View this post on Instagram

Sharon sings a duet with Christopher de Leon. #sharonmy40years

A post shared by Smart Araneta Coliseum (@thearanetacoliseum) on

Siyempre, ang pinakaramdam kong segment ay yung pagkanta ng “Maybe Someday” at “Somewhere Down The Road” kasama si Mayor Richard Gomez.

View this post on Instagram

Somewhere Down the Road duet with Richard Gomez #sharonmy40years

A post shared by Smart Araneta Coliseum (@thearanetacoliseum) on

Pati ang mga kaibigan ni Sharon sa audience ay star-studded.

Nandun sina Aga Muhlach with wife Charlene Gonzalez, Ogie Alcasid, Mayor Herbert Bautista, Ai-Ai delas Alas, at Judy Ann Santos with husband Ryan Agoncillo.

Continue reading below ↓

Nasa kundisyon ang boses ng Megastar at talaga namang nag-aral siya ng numbers niya, pati na ang mga kanta ni Moira dela Torre.

Nandun ang Team Sharon ng The Voice Kids at G-Force with the original Adrenaline dancers.

Memorable talaga itong 40th anniversary concert na ito kay Sharon at sa audience niya.

JERRY OLEA: Sa apat na dekada, may maiiwan nang legacy ang Megastar bilang mang-aawit at artista.

Hindi niya kailangan si Gabby Concepcion sa kislap ng kanyang bituin.

Patuloy siyang mamahalin ng kanyang mga tagahanga, kahit maputi na ang kanyang buhok.

GORGY RULA: Hindi ka nga mabu-bore sa concert ng Megastar.

Kung Sharonian ka, mai-enjoy mo talaga nang husto dahil lahat ng mahahalagang bahagi ng kanyang buhay, ang kanyang showbiz career, nandun.

Manunumbalik din sa iyo ang pagiging fan mo at kung paano mo siya sinubaybayan nung kainitan ng kanyang career.

Ang kapansin-pansin lang, parang in-ignore ang panahon niya kay Gabby Concepcion.

Continue reading below ↓

Kinanta naman niya ang "Dear Heart" at "Tayong Dalawa", pero bakit walang video support?

Nagkamali lang o sinadyang kaligtaan?

Dalawang beses pa tuloy naipalabas ang ilang eksena sa pelikulang Pangako sa 'Yo na pinagsamahan nila ni Bong Revilla.

Hindi ko napigilang maluha nang kinanta ng Megastar ang "Kung Kailangan Mo Ako", kung saan ang namayapang si Rudy Fernandez ang ka-partner niya sa naturang pelikula.

Binanggit pa ni Sharon na na-miss niya si Daboy.

Dahil sa mainit na pagtanggap ng fans sa kanyang 40th anniversary concert, tila ginanahan si Sharon na mag-concert uli next year.

Titiyakin daw niyang hindi siya hihingalin sa susunod niyang concert at baka masuot pa niya ang damit ni Kuh Ledesma, huh!

Read Next
Read More Stories About
pep troika, Sharon Cuneta
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results