Alice Dixson, malapit nang matsugi sa Ngayon at Kailanman?

by PEP Troika
Sep 29, 2018

GORGY RULA: Kung pakakawalan nila itong si magandang aktres, saan pa siya tutuloy?

Ayaw na rin ng isang magaling na aktres na makatrabaho siya, dahil sa attitude nito.

Pero naniniwala pa rin ako na bibigyan pa rin yan ng chance sa susunod na project dahil paborito yan ng isang top executive ng naturang network.

Kaya tingin ko naman hanggang tsismis lang yan. May mga kasunod pang project yan!

Maganda pa rin siya kasi at fit na fit na malayo sa edad niya.

Ganun lang talaga siya.

Tila pasaway lang sa trabaho at nakakapag-adjust naman ang mga katrabaho niya.

Magsu-showing na pala ang pelikula niya.

Malamang na ito ang matatanong sa kanya pag magpu-promote na ito.

Sana masagot niya nang maayos na walang masasaktan.

NOEL FERRER: It’s high time sagutin ni Alice Dixson ang mga comments tungkol sa kanyang pakikitungo sa mga kasamahan sa trabaho, specifically yung senior actress na tinukoy na si Tita Rosemarie Gil.

Continue reading below ↓
 IMAGE Noel Orsal

Mabait naman siya kung gugustuhin niya si Alice.

Ano ang nangyayari kaya sa kanya?

Iba lang ba talaga ang mindset niya kasi iba ang upbringing?

I’m trying to understand.

JERRY OLEA: Ang alam ko, ganyan na si Alice noon pa man.

But she is lovable in her own way.

Markado ang karakter niya sa teleseryeng Ngayon at Kailanman.

Ang mga pamangkin ko sa Dasmariñas, Cavite, mas interesado sa “tunggalian” nina Alice at Iza Calzado kesa sa mga ganap sa JoshLia.

Kung aalisin ang karakter ni Alice sa Ngayon at Kailanman, babalik kaya ang premyadong aktres sa FPJ’s Ang Probinsyano?

Read Next
Read More Stories About
Alice Dixson, Cherie Gil
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results