Dante Mendoza film,  umani ng Special Jury prize sa international film festival sa Spain

by PEP Troika
Sep 30, 2018

JERRY OLEA: Special Jury Prize ang natamo ng pelikulang Alpha: The Right To Kill sa 66th San Sebastian International Film Festival (Setyembre 21-29) sa Spain.

Idinirek iyon ni Brillante Mendoza, at pinagbidahan ni Allen Dizon.

Ang Golden Shell for Best Film ay nakamit ng Entre Dos Aguas/Between Two Waters (Spain, idinirek ni Isaki Lacuesta).

Ang Silver Shell for Best Director ay ipinagkaloob kay Benjamin Naishtat para sa Rojo (Argentina, Belgium, Brazil, Germany, France, Switzerland).

Wagi rin ang Rojo ng Silver Shell for Best Actor (Dario Grandinetti) at Jury Prize for Best Cinematography (Pedro Sotero).

Ang Silver Shell for Best Actress ay natamo ni Pia Tjelta para sa Blind Spot (Norway).

Tabla sa Jury Prize for Best Screenplay sina Paul Laverty para sa Yuli (Spain, Cuba, UK, Germany) at Louis Garrel & Jean-Claude Carriere para sa L’Homme Fidele/A Faithful Man (France).

Labindalawang pelikula ang nagtagisan sa 66th SSIFF.

Continue reading below ↓
Alpha The Right To Kill director Dante Mendoza and lead star Allen Dizon
 IMAGE courtesy of Jerry Olea

NOEL FERRER: Congratulations to Team Philippines as represented by Alpha: The Right To Kill of Brillante Mendoza.

Kapag ganito kasi, karangalan ng ating bansa bilang isang major film producing country ang nakataya.

Sana hindi lang sa ibang bansa sila makilala, kundi matangkilik pa sila ng mas maraming mga kababayan natin kapag naipalabas na ang pelikula rito sa atin.

Mahirap daw maging bayani sa sariling bansa. Sana hindi lang doon maparangalan at ma-appreciate ang pelikulang ito kundi rito mismo sa Pilipinas.

GORGY RULA: Dahil sa nakuhang karangalan ng Alpha, mas lumaki kaya ang tsansang makapasok ito sa Metro Manila Film Festival?

Isa pala ito sa labing-anim na pelikulang isinumite sa MMFF, at pagpipilian kung pasok ito sa walong pelikulang kalahok sa taunang film fest. Posible di ba? Kasi walang action/drama sa unang apat na pelikulang napili.

Abangan natin ang announcement ng MMFF sa susunod na buwan.

Congratulations kay Direk Brillante Mendoza at sa lahat na bumuo ng pelikulang Alpha: The Right to Kill.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Allen Dizon
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results