Regine Velasquez rumored transfer at fashion hits and misses sa ABS-CBN Ball

by PEP Troika
Sep 30, 2018

JERRY OLEA: Anim na fashion aficionados ang naging Facebook Live annotators sa celebrities na rumampa sa red carpet ng ABS-CBN Ball nitong Setyembre 29, Sabado night, sa Makati Shangri-La hotel.

Ang choices nila sa best dressed na babae ay sina Erich Gonzales, Kim Chiu, Liza Soberano, Kathryn Bernardo, Maja Salvador, Kisses Delavin, Maricar Reyes, Maymay Entrata, at Janella Salvador.

READ Angelica Panganiban, Carlo Aquino, Maymay Entrata among ABS-CBN Ball 2018 winners

Para sa kalalakihan, bet nila sina Enrique Gil, Jericho Rosales, Daniel Padilla, Arjo Atayde, at Ian Veneracion.

Nagwaging Stars of the Night ang CarGel o Carlo Aquino and Angelica Panganiban.

Para sa Metro magazine, Best Dressed sina Erich Gonzales and Jericho Rosales.

Ang mga runner-up kay Erich e sina Jodi Sta. Maria (2), Liza Soberano (3), Kathryn Bernardo (4), Kim Chiu (5), Maricar Reyes (6), Anne Curtis (7), Nadine Lustre (8), Bea Alonzo (9), at Maymay Entrata (10) na pinarangalan bilang Belo Beautiful Star of the Night.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Last night kind of confirmed the return of Regine Velasquez-Alcasid to ABS-CBN’s fold (ang sabi’y she was originally a Kapamilya nang lumabas siya sa musical shows na Triple Treat at Teen Pan Alley noong late 80s).

Continue reading below ↓
Regine Velasquez kasama ang ABS-CBN bosses na sina Cory Vidanes (R) at Roldeo Endrinal
 IMAGE @ericjohnsalut on Instagram

Buong ningning siyang nakihalubilo at nagpa-picture sa mga Kapamilyang nandoon kung saan kasama rin ang asawa niyang si Ogie Alcasid with daughter Leila.

Meron ding exciting commitment si Regine na ikinatuwa ng Kapamilya boss na si Lauren Dyogi at iyan ay ang pag-commit niya para magconcert on April 2019 para sa Bantay Bata 163 na siyang beneficiary ng Star Magic Ball.

Samantala, kahit gustuhin man niya, hindi nakadalo ang nanay kong Megastar Sharon Cuneta dahil tulad ng nasabi na niya sa post niya, nahanda na lahat pero hindi raw siya makabangon sa sakit ng katawan niya at panghihina dahil sa nakalipas na successful concert sa Araneta.

Nagpahinga na lang daw ang Megastar dahil kinailangang mag-ipon ng lakas para sa photo shoot ng bagong commercial niya na ilo-launch ngayon—ang pagbabalik niya sa isang ice-cream brand.

Ngayong nasa Kapamilya network na rin si Regine, mas madadali na ang collaboration nila ng idol niyang Megastar.

Continue reading below ↓

Magpapaalam na nga kaya siya mamayang gabi, September 30, sa last episode ng The Clash? Abangan!

GORGY RULA: Hindi naman ako fashionista, kaya wala akong karapatang magbigay ng komento sa suot ng mga stars na dumalo kagabi.

Heto lang ang ilang komentong nasagap ko mula sa ilang kaibigang may K mag-comment tungkol sa suot at ayos ng mga dumalo.

Itong si sikat na celebrity, hindi raw sila nagkakalayo ni Lilia Cuntapay sa ayos niya.

Si sikat ding young actress na napakaganda ng mukha, parang ka-level naman daw si Denise Laurel ang look. Maganda naman si Denise pero mas maganda di hamak ang young actress na ito kung maayos lang at di nag-experiment sa makeup at ayos ng hair. Ayun, Denise Laurel look na siya.

Itong si beauty queen naman na nagpaka-bombshell ng look, di bumagay at ang cheap ng dating.

Ito ring sikat na young actress na mala-Paris Hilton daw ang peg, nagmukhang cheap sa ayos niya at di nagkakalayo sa mga babaeng nakatambay sa Hilton.

Continue reading below ↓

Lalo naman itong isa ring young actress na bigla kaming nakaramdam ng awa sa ayos niya dahil tila pinaglaruan ng designer niya na pinalitaw ang garter sa loob trying to look edgy pero di niya na-keri. Kawawa naman.

Ang dami ring mga Kapamilya actors na hindi talaga bagay mag-suit.

Ang iba, nagmukhang pinahiram lang sa kanila, at ang iba, bagsak ang shoulder kaya di maganda ang lapat ng suit sa katawan. Mas maganda talaga sila paghubarin na lang.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results