Grand finale ng The Clash, wagi sa ratings

by PEP Troika
Oct 1, 2018

GORGY RULA: Hindi napag-usapan ang tungkol sa isyung lipatan nang na-interview ng ilang reporters si Regine Velasquez sa finals ng The Clash kagabi, September 30.

 IMAGE Noel Orsal

Prinomote na lang ang concert ng The Clash sa darating na weekend dahil kasali pa rin doon si Regine.

Binanggit ni Regine na magkita-kita pa rin daw sa Season 2 ng The Clash sa susunod na taon, pero malamang na hindi na siya ang host.

Continue reading below ↓

Aware na rin naman ang production staff na tuloy ang paglipat ni Regine sa ABS-CBN.

Ang isa pang nasagap ng PEP Troika ay ilu-launch daw si Regine sa ASAP na gagawin sa Australia.

Pero masaya naman ang Asia’s Songbird na maganda ang feedback sa The Clash at mataas ang rating hanggang sa natapos ito nung Linggo.

Nakakuha ng 14.4 percent sa AGB NUTAM ang grand finale ng The Clash, at 9.4 lamang ang katapat nitong The Kids' Choice.

Inaasahang tuluy-tuloy na itong tututukan hanggang sa bagong musical show na ipapalit, ang Studio 7, kung saan makakasama ang finalists ng The Clash at ang grand champion na si Golden Cañedo ng Cebu.

NOEL FERRER: It’s getting out with a bang kung totoong nakaungos sa ratings ang grand finals ng The Clash.

Sa akin lang naman, kung ang nanalo rito na si Golden Cañedo ay sumali sa "Tawag Ng Tanghalan" ng It's Showtime, mahihirapan itong magwagi.

Continue reading below ↓

Suwerte talaga niya sa The Clash siya sumali at nagwagi.

As for Regine, she was in high spirits sa hosting kagabi.

Nasabi pa nga niya “See you next year!” sa next edition daw ng The Clash.

Ibig bang sabihin na sila pa rin ang magkikita sa finals, bilang Kapuso ba o Kapamilya na?

JERRY OLEA: Mukhang naikondisyon na sa consciousness ng mga tao ang paglipat ni Regine sa ABS-CBN.

Life goes on.

Kung meron mang nagtampo, lilipas din ‘yan.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results