Young actor, kabaligtaran ng ama niyang maangas

JERRY OLEA: Nababaitan ako sa tisoy na young actor.

Tatahi-tahimik lang siya tuwing nakikita ko sa showbiz event.

Kaaya-aya ang ngiti. Magalang. Mapagkumbaba.

Kabaligtaran ng kanyang ama na maangas.

Sa isang pagtitipon kamakailan sa isang lalawigan, naimbitahan ang tisoy na young actor, kasama ang kanyang mga magulang.

Habang abala ang young actor, ang kanyang ama ay nagmando, “Saan ba ang table namin? Ito ba? Ito ba ang table na naka-reserve para sa amin?”

Pinaupo ni Daddy ang kanyang misis na nahapo sa biyahe.

Iyong mga bading na performer na nakaupo sa katabing mesa at inuurirat ni Daddy, quiet lang.

Nasindak ang mga bading sa daddy ni young actor.

NOEL FERRER: Balitang hiwalay na ang young actor na ito sa kanyang ka-love team at nagkaroon na sila sa TV ng proyektong hindi sila ang magkasama.

Pero sa ABS-CBN Ball, magkasama na naman sila—para siguro ma-promote na rin ang kanilang pelikula na parating.

Kaiba ng anak, malakas ang dating ng daddy nito. Para bang strong man rule noong panahon ni Macoy?

Hindi naman siguro. Baka naman masindakin ang mga bading na nandun sa raket na iyun.

GORGY RULA: Kapag celebrity kasi nama-magnify lahat na kilos. Kaya dapat ingat talaga.

Pero marami talagang artista na mas feeling sikat pa ang pamilya kesa sa mismong artista.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN