Kapuso artists, tikom ang bibig sa paglipat ni Regine Velasquez sa ABS-CBN

by PEP Troika
Oct 3, 2018

GORGY RULA: Safe ang mga sagot at wala talaga kaming napiga sa mga artist na bahagi ng bagong musical program ng GMA-7, ang Studio 7, kapag tinatanong tungkol sa isyu ng paglipat ni Regine Velasquez sa ABS-CBN.

Wala pa naman daw ina-announce si Regine kaya “let’s wait and see na lang” ang sagot sa amin ni Christian Bautista nang hiningan namin ng opinyon kaugnay sa isyung iyun.

Ayaw na ring magkomento ni Julie Anne San Jose, at si Mark Bautista naman ay maang-maangan ang drama.

Continue reading below ↓
Mark Bautista, Julie Anne San Jose, and Christian Bautista
 IMAGE Noel Orsal

Sabi lang ni Mark, na isa sa main hosts ng Studio 7, “Alam mo, sa lahat na artists dito sa GMA, kung saan sila masaya…kasi ako naman from other network din naman.

“Ako… kanya-kanyang posisyon… kung saan ka masaya, alam mo yun?”

Tinanong namin siya uli kung nagkaroon ba ng pagkakataong pinag-usapan nila ito ni Regine.

“Natatakot din akong magtanong sa kanya ng mga bagay-bagay kasi very sensitive yung mga bagay na iyan.

"So, ayoko nang makialam pa.

“Sana kinausap ko na pala, 'no? Para magkaalaman na,” safe na sagot ni Mark nang nakatsikahan namin sa presscon ng Studio 7 kagabi, October 2.

Masaya lang ang lahat na artists na bahagi ng Studio 7 kung saan isa-isa silang nagpa-sample ng kanya.

Kahit nga si Rayver Cruz na di magpakabog sa sayawan, humirit din ng kanta at tumapat sa mga finalist ng The Clash pati sa grand champion na si Golden Cañedo.

Continue reading below ↓

Naniniwala si Christian na patuloy pa ring tututukan itong Studio 7 dahil tiyak na susundan ang Clashers na talagang sinuportahan nang husto.

Sa October 14, Linggo ng 7:40 ng gabi, na magsisimula itong bagong musical program ng GMA-7 na Studio 7.

NOEL FERRER: Grabe ang pressure na mabigyan ng prime-time show lalo pa’t naka-anchor na ito sa young stars ng network.

This looks like putting Sunday All Stars o yung dating Kada or Teen Pan Alley on prime time. It’s a gamble worth the risk. Malay mo naman, di ba?

Uubra kaya? Para sa kapatid kong si Ruth Mariñas at ang kanyang team na naghihirap para buhayin ang musical-variety show sa GMA, good luck!

JERRY OLEA: Sa pagsasanib-pwersa ng golden voices sa bagong musical-variety program ng Kapuso Network, nawa’y ginintuan ang ratings nito.

Kaya aalingawngaw na lang ako sa paggu-good luck sa kanila.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results