Rocco Nacino, may pa-Felix Bakat sa Pamilya Roces

JERRY OLEA: Bonggacious ang pa-Felix Bakat ni Rocco Nacino sa isang eksena nila ni Carla Abellana sa bagong Kapuso teleserye na Pamilya Roces.

IMAGE Noel Orsal

"Grabe, ‘no?!” nakangiting bulalas ni Rocco nang matsika namin sa mediacon nitong October 3, Wednesday night, sa Prime Hotel, QC.

"Nagulat ako sa mga pinakita. Agad! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!

"Siyempre, for the love of the show. Ahh, it’s also to show a different side of Rocco.

"Na hindi lang ako pang-drama. Na nagta-tap na ako sa aking comedic timing...

"You’ll see a bolder Rocco here! Nakikita ko’t... uma-adlib, at magpakita ng balat! Ha! Ha! Ha! Ha!

"At gumagawa ng mga eksena na tatatak sa mga Kapuso natin!"

Na-awkward ba si Carla sa pa-bukol niya?

"Hindi! Very professional siya!" bulalas agad-agad ng aktor.

“Natuwa ako sa kanya, kasi sa mga gusto kong gawin at ma-achieve sa eksena, talagang nakikitawa siya at sumusuporta sa gusto kong gawin.

"Kaya mas lalong nagiging successful yung eksena. Unconsciously, mas nagiging nakakatawa."

NOEL FERRER: May this light adult-comedy premise work in its timeslot.

Compared sa susundan nitong successful na Inday Will Always Love You ay mukhang mas malaki at ginastusan itong Pamilya Roces.

I hope it gets its target rating and success.

As for Rocco, maliban sa "bukol," mas interesado akong makita ang pinagagawa niyang bahay na iprinamis niya sa aking makikita ko na soon.

GORGY RULA: Pinag-iisipan pala ni Rocco Nacino na ituloy ang pag-aaral sa Medicine.

Pagkatapos niyang mag-graduate ng Nursing, gusto na sana niyang ituloy sa pagka-doktor.

Pero napasok na siya sa showbiz at dumaan na siya sa acting workshops.

Pagkatapos niyang sumailalim sa acting workshop kay Anthony Bova, doon daw niya napagtantong mas mahal na niya ang pag-aartista.

“Mas minahal ko na 'to. Mas niyakap ko to.

“Nakita niyo sa pag-portray ko sa Pamilya Roces, nabuhay ang hilig ko sa pag-arte.

“Ito na kasi ang pinaka-challenging na role ko sa TV. Ang hirap ng timing sa comedy, e,” pahayag ni Rocco.

Pero naging active naman si Rocco sa pagkampanya sa blood donation.

May mga event na pinupuntahan niya, minsan kasama pa si Benjamin Alves na nagkakampanya sa patuloy na pagbibigay ng dugo.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN